Breaking News

Mr. & Mrs. Smith by Anonymous

This post is an entry to WOWBatangas.com’s, Ang Pag-ibig Kong Are! Valentine Contest. Bagamat hango ang istoryang ito sa totoong buhay, hindi pinahihintulutan ng may akda na ibahagi ang pangalan ng mag-asawa..

Hindi mo pwedeng i-label na “love story” ang istorya ng dalawang taong ito. Well, because for one, walang nangyaring attraction the first time they met. At pangalawa, walang nangyaring pormal na ligawan. Basta eventually na-realize nila, they were meant for each other. Yun yun eh, di ga? Hehe. Anyway, before I proceed, s’yempre pangalanan ko muna yun dalawang tao na ichi-chismis ko ang buhay pag-ibig dito. Tawagin natin silang Kiko at Kikay. At eto ang istorya nila…

A good 11 years had passed nung unang magkrus ang mga landas nina Kiko at Kikay, at ‘ika nga, they met thru a common friend. Total opposite ang sitwasyon ng dalawa ng mga panahong iyon. Si Kiko is about to finish his college and looking forward to a bright future. Si Kikay, on the other hand, is about to finish her life and looking forward to her future being put in damnation! O dib a? Wapak! Habang si Kiko ay nag-e-enjoy sa buhay ng mga panahong iyon, si Kikay naman ay kinamumuhian ito because of a certain “tragedy”, so to speak. Isa s’yang dalagang ina ng mga panahong iyon. At para sa kanya hindi kulay pula ang pag-ibig. Sa madaling salita, walang mag-aakala na these two people would eventually hit it off! Bukod sa 3 years ang tanda ni babae kay lalaki, pati interes at pagkatao nila, hindi panagpo kumbaga! Simple and homebody si Kiko. Complicated at may pagka-Dora the Explorer naman si Kikay. But nevertheless, isang napakagandang friendship ang nabuo between them when they finally get to know each other.

Wala silang naging physical attraction sa isa’t isa noong una. Ang tingin ni Kiko kay Kikay, mukhang lalaki lang. One of the boys, ‘ika nga. Si Kikay ang pakiramdam kay Kiko ay isang batang pwede n’yang tuktukan lang anytime. Wahahahaha! Pero ganun pa man, may kung anong magnet ang nagkonek sa kanilang dalawa. Most of the time, silang dalawa lang ang nagkakaintindihan ng kwento nila, silang dalawa lang ang nakaka-gets ng jokes nila, at silang dalawa lang nakaka-relate sa pagkatao ng isa’t isa. Hanggang sa hindi nila namamalayan, they are simply enjoying the moments that they are together. Steady lang. Walang pressure, walang commitment, walang pa-cute moments. Everything seems to be transparent and natural for them. Kumbaga, malaya nilang nailalabas ang bawat salitang galing sa utak at puso nila.

Hanggang isang araw, bigla na lang lumabas sa mga bibig nila “P’re alam mo, trip kita!”. Tapos yun na yun. Pero ang nakakatuwa, hindi basta naging simpleng ganun lang ‘yun. Single mom si Kikay at hindi naging madali para sa kanya na basta mag-commit na lang ulit sa isang relasyon. Ganun din si Kiko lalo na at nanggaling s’ya sa isang pamilyang kung hindi pari e madre ang mga kaanak n’ya. At sa pagkatao ni Kiko na parang hindi makabasag pinggan, hindi pag-aakalaan ng kahit sino man na mati-tripan n’ya ang isang tulad ni Kikay. Bukod pa sa, madami – kung hindi man halos lahat – ay kontra sa ideyang may relasyon sila. Kulang na lang, magkaroon ng 1 million signature campaign para lang sagipin ang inosenteng si Kiko sa kamay ng makamandag na si Kikay! Hahaha! Pero pagkahaba-haba man daw ng pila ng kumokontra, sa kasalan din tumuloy ang dalawa.

And it was indeed the wedding of the year! Dahil ito ang total opposite ng lahat ng mga engrandeng wedding na pinangarap ng halos lahat ng bride…hahahaha! Maniniwala ba kayong ni hindi pa umabot sa halagang Php10,000 ang nagastos sa kasal nila? Oh yes…because every element of the wedding was just so unorthodox, so to speak. Kumbaga sa bisikleta, lahat improvised. Isa lang ang hindi tinipid – yung pagmamahal nila sa isa’t isa. Ang paniwala kasi nina Kiko at Kikay, love should be experienced at its simplest and purest form. Kaya naman pati wedding ring, sa Unisilver binili! Yeah-ba! But believe it or not, si Kikay ang deserving tawagin na Bride of the Year. Hindi nga s’ya binigyan ni Kiko ng diamonds for a wedding ring, o kaya ng isang reception in grandeur. Pero binigyan naman siya ng kanyang butihing asawa ng pagkakataong mabigyan ng legal at marangal na pangalan ang kanyang anak. Before they get married, there is only one thing na hiniling ni Kiko kay Kikay, at iyon ay ang dalahin ng kanyang anak ang apelyido ni Kiko at ituring itong siyang tunay na ama. At si Kiko, iisa lang ang naging hiling kay Kikay —– to forget the past totally dahil sabi n’ya, “handa akong samahan ka habang buhay”. Muntik na magalit yun pari dahil inadlib nila yun ‘til death do us part! Eto ang naging promise nina Kiko at Kikay magpasahanggang ngayon:

For better or for worse
For richer or for poorer
In sickness and in health
Not even death will do us part!

At kumontra man ang lahat, they know that they will live happily ever after — kasama of course ang 3 nilang naggagandahang chikitings! ………….Walang “The End” ito ha! Kasi ‘yun love story nila will just continue forever…and ever…and ever….

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Freshest Agri and Livestock Produce Available at Padre Garcia’s Pick & Go Farm

The “Cattle Trading Capital of the Philippines”, the Municipality of Padre Garcia, Batangas, has yet …

No comments

  1. sandra mae de torres

    super like ko ang “love story na ito”..kakarelate..kasi my man and i are really opposite..hahaha<3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.