Breaking News

Anti-Tuberculosis Drive sa Batangas, Patuloy na Isinusulong

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS ITEM February, 17 2011
PLEASE REFER TO MS. GINETTE SEGISMUNDO CONTACT US /043/ 980-5206

Koalisyon laban sa TB binuo sa Batangas

Batangas City – Matapos maideklarang Malaria Free province ang Batangas, pagtutuunang-pansin ng pamunuan ng kalusugan sa lalawigan, sa pangunguna ni Governor Vilma Santos Recto, ang tuluyang pag-iradika sa sakit na Tuberculosis (TB).

Sa pagsisimula ng sama-samang pagkilos laban sa nakahahawang sakit na TB, inilunsad ng Provincial Health Office noong ika-16 ng Pebrero 2011 ang Provincial Coordinating Committee (PCC) bilang pangunahing samahan na tututok sa isyu ng sakit sa baga na lubhang nakakaapekto sa pamayanang Batangueño.

Katuwang ang Philippine Coalition Against Tuberculosis (PhilCat), Philippine Medical Association (PMA) at League of Municipalities of The Philippines (LMP)-Batangas, nilagdaan nina Batangas Governor Vilma Santos Recto, LMP President Mayor Nas Ona ng bayan ng Calaca at ng mga opisyales ng PMA- Batangas na binubuo ng Tanauan Medical Society, Lipa Medical Society, Batangas Medical Society, Bauan Medical Society, Taal-Lemery Medical Society at Western Batangas Medical Society ang Memorandum of Agreement sa sama-samang paglaban sa TB.

Pinasalamatan ni Governor Vi ang miyembro ng PCC sa kanilang dedikasyon upang tuluyang mawala sa lalawigan ang nakakahawang sakit na TB. Sinabi nito sa harap ng koalisyon na hindi titigil ang kanyang administrasyon sa pagpapabuti ng kalagayang pangkalusugan at patunay rito ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga pagamutan sa lalawigan, ang pagsasagawa ng clean up drive upang labanan ang dengue at ang tuluyang pagkawala ng sakit na malaria sa probinsya.

Layunin ng Provincial Coordinating Council na ibaba sa LGUs o lokal na pamayanan ang pagbibigay-kaaalaman tungkol sa TB sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ng malawakang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa sakit ng TB, pagbibigay ng tulong medisina at atensyong medikal sa mga apektado ng sakit na ito at pagbibigay sa mga ito ng tamang kaalaman sa pag-iwas at tamang pag gamot sa Tuberculosis./Edwin V. Zabarte/ PIO- Batangas

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

No comments

  1. This is a sign of good undertaking from the provincial health office through the Provincial Governor Vilma Santos-Recto. With the stakeholders in TB control already identified, TBLINC project will march its way in implementing support mechanisms for the province. As the team leader for the project’s deliberable, we will join hands in joining advocacies, resoources and strategies to come up with a formalized Multi-Sectoral Alliance for TB control designed and intented for our fellow Batanguenos. We will soon be there by October 2011.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.