Breaking News

Ano Ga? Mahal Mo Ga Ang Puntong Batangueño?

Ang mga Batangueño kung minsan, walang preno ang bibig. Kung ano na lang masabi ay ‘yun na. Samahan mo pa ng puntong kainaman nga naman, akala mo lagi ay galit.

Malamang marami sa mga kababayan natin na nasa ibang lugar ang nami-misinterpret ng ibang tao lalo na kung hindi Batangueño.

Haha. Nakakatawa lang isipin, magtanong ka ng “ano ga?” ang tunog o tono madalas ay parang naaasar. Kahit hindi sinasadya, malamang isipin ng ibang nakakarinig eh badtrip ka.

Kung ang mga Ilonggo ay kilala sa malambing na paraan ng pagsasalita, tayo namang mga Batangueño ay isa sa mga sinasabing may pagka-brusko ang pagsasalita. Although hindi naman ito sukatan para masabi mo na agad ang personalidad ng isang Batangueño. Maaari ngang may kalakasan ang ating boses o pagka-gigil sa ating punto, pero kung palambingan din lang naman ang usapan eh hindi magpapahuli tayong mga taga-Batangas.

Ang tono o punto sa pagsasalita ng isang tao ay isang madaling pagkakakilanlan ng kung saang probinsya o grupo ka nabibilang. Ang nanay ko ay Ilokana at ang tatay ko ay Batangueño. Pero hindi mo ako maririnig mag-Ilokano dahil hindi ko nakalakihan ang dialect na yun. Pero, hindi rin ibig sabihin noon ay hindi ko niyayakap ang pagiging half-Ilokana ko.

Tumanda man ang panahon at lumalago man ang industriya ng anti-aging products, hindi natin maiaalis ang puntong nakalakihan mo na. Maaring hindi ako sanay gumamit ng ‘ga’ o ‘dine’ kapag nagsusulat ako sa Tagalog, pero kung maririnig mo akong magsalita, may mga pagkakataon talagang mapapatingin ka na lang at di mo aakalaing ako ang naririnig mong na-garne at nagay-on. 😉

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Project KaLIKHAsan Immerses Local Artists in Plein Air Session at Mt. Gulugod Baboy

45 Batangueno artists participated in the KaLIKHAsan Project at Mt. Gulugod Baboy on February 24. …

10 comments

  1. ay pag ako ga ang iyong tatanungin ay cgurado mahal na mahal ko ang puntong batangueno, khit nga akoy nadine sa lahi ng mga frances dine sa new caledonia, ay lahat ng namumutawi sa aking nguso e puntong batangueno..frances nga e tinuruan ko mga salita ng batangueno..un simpleng “ano ga”..at “habi dyan”..

  2. Eh nakoh eh kung ang pag uusapan din laang eh ang puntong batangas eh hinding hindi ko iyan makakalimutan at mapapalitan dahil ang puntong iyan ang aking kinasanayan,napakadaming lugar na ang aking napuntahan kahit kadalasan eh napagtatawanan na ako dahil sa aking punto ay wala akong pakialam lalo ko pang sinasalita minsan nga eh bumili ako ng toyo sa tindahan nung nasa nueva ecija ako eh di ga naman eh pag nagbigkas tayo ng toyo eh napakatigas “tuyo” na may madiing pagbigkas ay nako ay ibinigay sa akin ng tindera ay hawot mauutas ako sa kakatawa aba eh mas lalo ding napatawa sa akin ang tindera kaya iyon medyo nilambutan ko ng kaunti kaya nagkaintindihan kami, eh dine naman sa malaysia sa dami naming pinoy dine eh ni minsan ay di ko iniwan ang puntong pagkabatangeno ala eh yun na ang kinasanayan eh at mahal ko ang aking punto di tulad ng iba diyan nakarating laang ng maynila aba eh paguwi ng batangas eh mahihilod ng asin ang dila eh sa lambot ng pagsasalita ng minsan nga ho mayron sa aming dalagang nakarating laang ng maynila eh di nung umuwi ng batangas eh nakoh po di nawalalan ng “ba” kase ang salita eh wari ko naman eh nung dumating ang tag init ay kahit pa gumamit ng puntong maynila ay bukong buko pa ding batangueno aba eh ang sabi ba ga nung nakasuno ko sa dyip puntang lipa ” ano ba yan ang banas banas” hahahahaha ala eh lahat yata ng sakay sa dyip ay nagkatawanan,, kaya nga ganyan katindi ang puntong batangas kahit saan ka man mapadpad ay hindi mo iyan matatalikuran dahil sa kahit anong paraan ay lalabas at lalabas pa din sa iyong labi ang puntong batangueno kayo anong kwento ninyo?

  3. Eh nakoh eh kung ang pag uusapan din laang eh ang puntong batangas eh hinding hindi ko iyan makakalimutan at mapapalitan dahil ang puntong iyan ang aking kinasanayan,napakadaming lugar na ang aking napuntahan kahit kadalasan eh napagtatawanan na ako dahil sa aking punto ay wala akong pakialam lalo ko pang sinasalita minsan nga eh bumili ako ng toyo sa tindahan nung nasa nueva ecija ako eh di ga naman eh pag nagbigkas tayo ng toyo eh napakatigas “tuyo” na may madiing pagbigkas ay nako ay ibinigay sa akin ng tindera ay hawot mauutas ako sa kakatawa aba eh mas lalo ding napatawa sa akin ang tindera kaya iyon medyo nilambutan ko ng kaunti kaya nagkaintindihan kami, eh dine naman sa malaysia sa dami naming pinoy dine eh ni minsan ay di ko iniwan ang puntong pagkabatangeno ala eh yun na ang kinasanayan eh at mahal ko ang aking punto di tulad ng iba diyan nakarating laang ng maynila aba eh paguwi ng batangas eh mahihilod ng asin ang dila eh sa lambot ng pagsasalita ng minsan nga ho mayron sa aming dalagang nakarating laang ng maynila eh di nung umuwi ng batangas eh nakoh po di nawalalan ng “ba” kase ang salita eh wari ko naman eh nung dumating ang tag init ay kahit pa gumamit ng puntong maynila ay bukong buko pa ding batangueno aba eh ang sabi ba ga nung nakasuno ko sa dyip puntang lipa ” ano ba yan ang banas banas” hahahahaha ala eh lahat yata ng sakay sa dyip ay nagkatawanan,, kaya nga ganyan katindi ang puntong batangas kahit saan ka man mapadpad ay hindi mo iyan matatalikuran dahil sa kahit anong paraan ay lalabas at lalabas pa din sa iyong labi ang puntong batangueno kayo anong kwento ninyo?

  4. ang puntong kailanman ay hindi ko kinahiya,,,minsan napadestino ako sa cebu Puntong batangueno pa rin ang dala ko.. mgtrabaho man ako ng matagal sa Maynila, madalas pag tarantahan na..mas lalong lumalabas ang punto ko.. ang expression na ” dyos ko pu rude, ” mahigpit yown!! Pagkapadale ahh” ang maririnig sa akin hangang sa mga kasamahan ko eh yun na rin ang expression.. 🙂

  5. ..ay kung ako laang din nmn ang iniong gztong tanungin .. kasayang maging isang batangueno .. Proud to have such a cool dialect. :)..akala mo daw lagi e qng cnung tomboy ang ngsasalita .pagtininingnn mo naman e anung cute nah dalaga nare xD ..hagalpak namn aq sa sa kakatawa eh ..kakaingget daw at hndi nila magaya ang aking punto .. 😀

  6. pwede ko bang malaman ang mga salita ng mga taga batangas… gagawa kc ako ng glossary ng salita ng batangas eh…

    • Pwede po magbigay kayo ng halimbawa kung pano magpakilala ang mga taga Batangas? Kailangan lang po sa role play namin mamaya?

      • Ay di dapat tama ang iyong punto at may alam kang malalalim na salitang Batangenyo. 🙂

        Gumamit ng “eh” at “ga” 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.