Breaking News

Si Titser, Matematika, at ang Durian

si titser at ang durian : isang maikling kwento

Bblllaaaawwwrrrrggg…. Gutom na ‘ko ah. Ano kayang ulam? Inay, magkukwento laang ako bago kumain. Mabilis laang are.
………………………………

Kasalukuyang nasa isang subdivision si Titser para turuan ang tinutyutoran nyang kambal.
“Titser, titser.. May assignment na naman kami sa Math. Puro equation po eh. Di pa naman po namin yun alam.”, sabi na isa sa kambal.

“Oo nga Titser. Ang hirap tsaka tinatamad kaming gawin. Tapusin na natin Titser para makapaglaro na kami.”, sagot ng isa.

“Ok tara, gawin na natin. Pero kailangan kayo ang gagawa ha.”, malambing na sabi ni Titser.
“Ang hirap nun Titser. Tsaka ayaw naming magsolve.”

“Titser sabihin mo na lang ang sagot sa amin. Alam mo na naman ang sagot eh. Sabihin nyo na lang. Sagot na agad po.”

“Ayaw.”, ang maikling sagot ni Titser.

“Dali na titser.”, ang malungkot at pagalit na sabi ng kambal.

“Tok tok…! Ok meryenda time na. Eto ang durian. Tikman nyo.”, nakangiting sabi ng Mommy ng kambal.
“Anong lasa nyan Mommy?”

Lumabas muna si Titser at pumunta sa sala. Naiwan ang kambal na malungkot dahil ayaw silang turuan agad ni Titser. Habang bumababa sa hagdan, may nasabi si Titser sa sarili.

“Di nyo malalaman kung madali o mahirap ang isang bagay kung hindi nyo muna ito susubukan. Mas gusto kong hayaan kayong malasahan ang durian kesa sabihin ko kung anong lasa nito.”

………………………….

“Wow… Parang ang sarap nyan Inay ah. Anong lasa nyan?”

“Halika Toto. Tikman mo.”

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.