Sa mga nagdaang Kwentong Pag-ibig namin, ito ang unang beses na nalito sina Miong at Julieta. Haha. Alamin kung bakit.
Dear Miong and Julieta
Ano ang gagawin ko kasi feeling ko naibigay ko na ang lahat pero parang wala pa din ako sa kanya. Parang gusto nya lang wag ako lumayo sa kanya, parang okay na sa kanya pag andyan ako at pag nagpapaalam ako sa kanya, ayaw nya in the sense na ginagamit nya ang family nya, na sya na lang daw ang layuan ko wag ang family nya. Close kasi ako sa family nya. Yun nga lang siguro, alam nila na may pagtingin ako sa anak nila. Kaso dinadaan ko naman sa closeness na tipong pagkakaibigan lang para hindi halata.
Anong gagawin ko? May gusto ako dun sa kaibigan kong guy na halos close na nga ako sa buong family nya. Kaso hindi ko maamin sa kanya kasi nakakahiya at kasi ang turing ng pamilya nya sa akin ay parang kapamilya na rin at sya ay kaibigan lang. Minsan okay kami, masaya, para ngang mag-asawa. Tapos mas okay kami pag kami ay magkasama kesa kapag sa text lang.
Minsan pag di sya nagtetext sakin, nagagalit ako, gumagawa ako ng away. Tapos pag desidido na ko magpaalam, ayaw naman nya. Anong ibig sabihin nun? At ano gagawin ko? Ayaw ko din naman mawala sya at ang family nya.
Queen King
Hey Queen King!
Steady ka lang bra…brad.
Ayos na yang relasyon ninyo.
Ang lagay e espesyal na kayo para sa isa’t isa. Imposible namang ikaw lang ang nakakaramdam niyan diba?
Nahihiya kang aminin yang nararamdaman mo marahil sa iyong takot na mapahiya, malait at machorva dahil na rin sa isang katotohanan na sa ating komunidad, hindi pa masyadong tanggap ang espadahan.
Pero para saan pa ba ang pag-amin kung dama nyo naman ang init ng bawat isa?
Para saan pa ang mga salita? Formality? Confirmation?
Kung ako sayo bra….brad, hindi ko na aaminin.
Makokontento na ako sa pakiramdam na may isang taong hindi kaya ang aking kawalan, de-espada man o hindi. Dahil hindi din natin alam ang mga consequence pag umamin ka sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Win-Win situation ang kakalabasan kapag hindi ka umamin dahil;
Pag hindi mo sinabi: tuloy tuloy lang ang inyong ligaya.
Pag hindi mo sinabi: zero ang probability na mapahiya ka.Ayos na ayos yan. Pero kung gusto mo ng madramang buhay, ay siya sige, magpaka romantiko ka. Walang sisihan ha.
Balakambuhaymo.
MIONG
Dear Queen King,
What is Brokeback Mountain?
Una, anong eksena meron kayo ng guy friend mo? Haha.
Pangalawa, yung hairlelets mo abot hanggang EDSA! Taray mo teh, akalain mong may isang taong ayaw kang mawala sa buhay nya? How do you translate that? Hindi namin sya kilala so ikaw lang makakapagsabi kung anong maaaring nararamdaman nya para sayo.
Is he just settling for the convenience your company’s providing him? Or is that the only thing you’re providing him? Aysauce! Haha.
We were born and expected to love someone from the opposite sex. The society we are living in tells it’s what’s right and proper. But where the hell did same sex romances flounder from?
Permit my being straightforward, baka makulot lalo ang utak ng mga readers sa kakaisip kung bakit ganun na lang ang payo ni Miong, haha.
We all have our secrets to keep. But the hardest, yet the sweetest one to keep is the kind that lingers from the heart — love.
Mahirap ang tayo mo kasi pag umamin ka, maaaring gumuho ang mga pader ng bahay-bahayang binuo mo sa panaginip na sya ang kasama. Magiging black and blue lahat ng fuchsia pink sa daydream mo. Magugunaw ang mundo. Chos.
Sasabihin ko sanang gow lang ng gow. Pero mas mabuti siguro kung pakiramdaman mo na lang muna ang mga bagay-bagay. Stay if you want to, not because HE wants you to. May sarili kang utak, puso, at buhay. Wag kang magpatali sa kung anong gusto nyang mangyari. There must be a reason why he wants you around.
May BFF din ako na parang hawig sa sitwasyon mo. Ang sabi ko sa kanya, tingin ko his special friend is only after the convenience of their friendship.
Wag kang assumptionista teh. Pero kung wala syang babaeng chinacharot, mag-isip ka na. Haha. Baka the only thing that stands between you and him is the unspoken truth. Ang katotohanang berde rin ang dugo ng lolo mo.
Wishing you well,
JULIETA