Breaking News

Hapag-Pag-ibig, Inilunsad

Inilunsad ng First Gas Power Corporation ang feeding project na tinaguriang Hapag-Pag-ibig sa Sta. Clara Elem.School noong July 29 kung saan 1,917 estudyante ang nabigyan ng masustansyang pagkain.

Ang isang ordinaryong bata na pumapasok sa eskwelahan ay kailangang mapunan ng masusustansyang pagkain ang sikmura upang gumana ng ayos ang kanyang isip at katawan. Siya ay gumigising ng maaga at aktibo sa buong maghapon.

Taon-taon tuwing Nutrition Month sa July, nagsasagawa ng feeding project ang nasabing kompanya na isa sa malalaking industriya at top tax payers sa lungsod upang makatulong sa paglaban sa malnutrisyon.

Ayon kay Ramon Araneta, vice president ng First Gas, ang nasabing proyekto ay nagsimula sa simbahan na tinawag na Bayanihan System na sinuportahan naman ng local government at ng First Gas Power Corporation. Nanawagan din siya sa mga taga private sector na suportahan ang nutrition campaign upang mapalakas ang kalusugan ng mga bata.

Di naman nagpahuli ang samahan ng kababaihan sa Barangay Talumpok Proper. Bilang pakikiisa sa Nutrition Month celebrations ay nagsagawa rin ang mga ito ng feeding program sa Talumpok Proper Elementary School. Ang proyektong ito ay may titulong “SOPAS Para sa Kabataan Wastong Nutrisyon Ibigay sa Pag-Asa ng Bayan.” Nakinabang mula sa programa ang mahigit sa 300 mag-aaral dito.

Ito ang kauna unahang feeding program na itinaguyod ng grupo ng kababaihan sa Talumpok. Layunin nito na mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga mag-aaral, at plano nila na maipagpatuloy ito sakaling may sapat pang pondo ang samahan.

Dumalo sa feeding program si ABC Pres. Vilma Abaya Dimacuha kasama ang ilang punong barangay at mga kaibigan. Ang feeding program ay isa sa mga priority projects si Gng. Dimacuha na patuloy na ipinatutupad simula pa noong siya ang pinuno ng Samahang Hesus Nazareno. PIO Batangas City

[tags]Feeding Program, project, local government of batangas, city, batangas city, Hapag-pagibig, First Gas, Batangas, WOWbatangas, Sta. Clara[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.