Breaking News

Simbang Gabi, ang Pamaskong Sakripisyo ng mga Pilipino

Article contributed by Ken Michael B. Escamillas

Lahat ng Katoliko, Pilipino at Batangueño alam na tuwing gabi ng December 15 o madaling-araw ng December 16 ay simula na ng Simbang Gabi. Ibig sabihin lamang nito na malapit na ang pasko.

Ang Simbang Gabi o “Midnight Mass” sa Ingles ang isa sa mga pangyayari di na mabubura sa kulturang Pilipino lalong lalo na sa lahat ng Katoliko.

Ang Simbang Gabi ay bahagi na ng buhay ng tao. Sabi ng ilan, isa ito sa mga gawaing hindi dapat makalimutan ninuman lalo na ngayong buwan ng Disyembre na kung saan lahat ay naghahanda para sa panahon ng Kapaskuhan – ang pagsilang sa ating Panginoong Hesukristo.

Bagamat ganito, isang tanong ang namamayani sa aking isipan. May nakakatagal pa kaya sa pagsi-simbang gabi? Kung meron man, kahanga-hanga sila. Kung kakaunti na ay sana isa na ako dun.

Inaamin ko na isa ako sa mga taong hindi matapos-tapos ang pagsisimbang gabi. Ako yung taong hindi masyadong relihiyoso, pero pinilit ko naman dati na makumpleto sa paniniwalang pag nakumpleto mo
raw ito, matutupad ang mga kahilingan mo. Ngunit sa kasamaang palad, wala akong natapos na Simbang Gabi sa tanang buhay ko. Mga apat hanggang limang araw lang yata ang itinagal. Hindi ko siya natapos.
Hindi ko siya kinaya.

At dahil Simbang Gabi na naman, magla-lakas loob akong magbigay ng payo sa aking sarili at para sa ibang Batangueño para makatagal at matapos ng matiwasay ang pagsisimbang gabi.

Hindi biro ang gumising ng maaga sa loob ng siyam na araw. Kaya naman sa tulong ng mga simpleng payong ito, sana’y matapos na natin ang 9 na Simbang Gabi.

Una, KATOLIKO AKO, TATAPUSIN KO ITO. Ang katagang ito ay para sa 73.8 million (Wikipedia) at patuloy na dumaraming katoliko sa bansa at dito sa Batangas. Tulad ng ibang relihiyon, ang pagiging bahagi nito ay may kaakibat na responsibilidad. Naniniwala rin ako na bahagi ng kultura ang relihiyon. At bilang isang Katoliko, kasama sa mga “responsibilidad” na ito ang pagdalo sa Simbang Gabi. Kung hindi ka mahilig magsimba tuwing Linggo, sana naman ay pagbigyan mo ang siyam na Simbang Gabi at gawing bukal sa puso ang pag-kumpleto nito. Isa pa, napakaraming simbahan dito sa Batangas. At sinisigurado kong
mae-engganyo kang tapusin ang Simbang Gabi kapag nakita ang mga nag-gagandahang simbahan ng Batangas.

Pangalawa, MATULOG NG MAAGA. Habang nagbabasa-basa ako sa Internet kaugnay ng paksang ito, ito na marahil ang pinaka-common na pinapayo ng mga gusto ring magpayo. Piliting ko mang mag-isip ng kakaiba, ang pagtulog ng maaga sadya ang isa sa mga bagay na dapat talaga nating gawin para makadalo sa Simbang Gabi. Kung maraming takdang-aralin ang dapat tapusin, bakit hindi mo ito gawin ng mas maaga? Kung di ka sanay, pwede naman kaso un nga lang, mapupuyat ka. Stressed ka. Mahuhuli ka sa misa. Kaya para makapag-simbang gabi ang lahat, halina’t matulog tayo ng maaga.

Pangatlo, GUMISING NG MAAGA. Napakadaling matulog, mahirap lang gumising ng maaga. Pero kung gustong makapag-simbang gabi, gumising ng maaga. Meron tayong alarm clock. Kung wala, meron sa naman sa cellphone at kung wala paring cellphone, magpagising kay Nanay at kung ayaw magpagising, i-set ang utak “Gigising ako ng Alas-tres”, at kung hindi nakapag-mindset, good luck sa iyo, simbang umaga na ang dadatnan mo.

Pang-apat, MAG-ALMUSAL, MALIGO. MAGSUOT NG KUMPORTABLENG DAMIT. Maraming istorbo kapag nakikinig ng misa. Minsan, hindi ka mapakali kasi gutom ka, maigsi ang iyong padla, malaki ung t-shirt, luwag yung pantalon mo. Kaya naman, mainam na kung naka-higop ka ng isang tasa ng kape o isang subo ng sinangag na kanin bago pumunta sa simbahan. May bibingka naman at puto bumbong sa labas. Siguraduhin lang na ang isusuot na damit ay hindi takaw pansin tulad ng mini-skirts at iba pang maiigsing damit. Mag suot ng kumportable. Yung pwede sa simbahan. At panghuli, maligo. Alam nyo na ang ibig kong sabihin.

Panglima, PUMUNTA NG MAAGA SA SIMBAHAN. Kung natulog ka ng maaga, nagising ka ng maaga, nakapag-almusal, naligo at kumportable ang damit, tiyak hindi ka mahuhuli sa simbahan. Syempre. Iba na iyong nasimulan mo ang misa kaysa sa natapos mo nga, hindi mo naman nasimulan. At;

Pang-anim, MAKINIG SA MISA AT ISA-PUSO ANG DIWA NG SIMBANG GABI. Ngayong nasa simbahan ka na at ayos ang lahat, ito na ang pagkakataon para sa isang masaya at matiwasay na Simbang Gabi. Ang simbahan ay malugod kang tinatanggap. Hindi pwedeng “physically present but mentally absent. Kaya naman, kung gustong mong matapos ang siyam na Simbang Gabi. Pakinggan natin ang Misa ng pari, ang Homiliya kung saan pilit na ipinapadama ang tunay na diwa ng Pasko. Ang paglalakbay ni Jose at ni Maria patungong Bethlehem, ang mismong kapangakan ng Batang si Jesus sa sabsabsan. Lahat ng ito ay mahalaga. Bukod sa kabatiran ng mga Katoliko, ang lahat ng sasabihin sa misa ay para sa kagalingan
at kabutihan ng lahat. Sa lahat ng aking mga payo, dito ako pinaka nahihirapan bagkos hinahamon para gawin ng tama. Ang pagsasapuso ng Simbang Gabi ay pagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon. Kaya naman nasa sa atin na ang desisyon kung magsisimbang gabi ba tayo o hindi.

At dahil ako ang nagbigay ng payo, hinahamon ko din ang sarili ko na Magsimbang Gabi. Bagamat hindi ko na nasimulan, hinahamon ko pa rin ang sarili ko na dumalo kahit na madami akong ginagawa. Hindi naman ibig sabihin na kapag hindi nakumpleto ang siyam na araw ng Simbang Gabi, hindi mo na matutupad ang kahilingan mo para sa Paskong ito.

Nasa atin na ang kapangyarihan para sa katuparan ng ating mga
kahilingan. Naniniwala naman ako na nauunawaan ni Lord ang sitwasyon ko. Pero ngayon, nauunawan ko na ang halaga ng Simbang Gabi. Hindi lang dapat makumpleto kundi dapat isapuso ang Simbang Gabi.

Simbang Gabi, kayanin kaya natin? Sana naman sa munting payo ko ay kayanin na natin. At ipinapangako ko sa sarili ko, kakayanin ko na. Magsisimbang gabi na uli ako.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Vespa Clubs Tour Taal Lake, Celebrate LIMA Park Hotel’s 15th Anniversary

The Taal Lake Loop has been a popular route for motorcyclists. With scenic landscapes, asphalt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.