Kahapon, dahil walang kuryente, nagawi kami sa Lipa (ang normal na gawain kapag brownout at ayaw naming maburo sa bahay). Unang stop bago kami mag-segue sa Ms. Eco Gay pageant night sa SM City Lipa ay sa tiangge.
Taon-taon, sumisikip ang mga kalye sa town proper ilang linggo bago ang fiesta (January 20th). Okay, sabihin na nating hassle ito sa mga may sasakyan na araw-araw dumadaan doon. Pero sa mga mamimiling mahilig sa presyong Divisoria, shopping haven ang tiangge!
Anong hanap mo?
Gamit sa kusina?
Kurtina? Punda? Tuwalya?
Damit? Undergarments?
At iba pa?
Accessories? Bags? Tsinelas? Panglinis sa banyo? Hahay, available ang mga yan sa tiangge. Mas maganda kung pakyaw kang bibili.
Tuwing may tianggi-an o bazaar sa Lipa, dinadayo talaga ito ng mga mamimili kasi nga naman, murang-mura ang mga paninda. Yun nga lang, kelangan expert ka pa rin sa pagtawad. Oh, alam na alam ito ng mga suki ng Divisoria.
Hindi pa rin maiiwasan ang may magsamantala sa dami ng mga taong nagsisiksikan sa tiangge. Ingat pa rin sa mga napakababait na mga snatchers. Pardon the pictures, kuha kasi ang mga yan gamit ang cellphone camera ko na hindi ko alam kung paanong ingat ang gagawin ko kasi baka bigla na lang mahablot. Haha. Syempre, iba pa rin ang nag-iingat. Mas madaling mag-ingat kesa manghabol ng snatcher o kaya mawalan ng walang kamalay-malay.
Ang tiangge, para sa akin, ay hindi lamang lugar pamilihan. Ito ay sumasalamin sa isang makulay na kultura ng mga Pilipino. Kahit kelan, hindi kacheap-an ang mamili at makipagtawaran sa mga tindero at tindera sa tiangge. Ang saya kaya, try mo!
Maraming tao ang umiikot ang buhay sa tiangge. Maraming tao ang nakakahanap ng kaligayahan sa pamimili dito. At maraming bibig ang napapakain at pangarap na pinagiipunang marating dahil sa mga taong tumatangkilik sa mga samu’t saring kung anu-ano sa shopping haven ng mga nagtitipid. 😉