Tanda ko nung bata pa ako, hindi pa uso ang outing tuwing Mahal na Araw. Sa bahay laang kaming magpipinsan at magkakapatid, hindi maaaring lumabas sa kalye, makipaglaro at lalo na ang mag-ingay. Ni hindi maaring manood ng TV, kung hindi rin laang hango sa Bibliya ang palabas. Kaya naman naisipan naming ilista namin dine sa aming website ang ilan sa mga tradisyon ng mga Katolikong Pilipino at lalo na nating mga Batangueño. Makikita nyo ang kumpletong listahan sa WOWBatangas.com para na rin may makapag-paalala sa atin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng Mahal na Araw at paano natin ipagpapatuloy ang ating mga magandang tradisyon para sa susunod na henerasyon.
I-Click ang link para sa Listahan ng mga Tradisyon na nakasanayan na dito sa Batangas
http://wowbatangas.com/destinations/churches/holy-week-traditions-in-batangas-acts-of-sacrifice-and-repentance/