Nagtipon-tipon ang mga Bicycle Riders mula sa iba’t ibang parte ng Batangas upang maki-isa sa 2nd Bisikleta Iglesia, isang programa ng Lima Park Hotel ngayong Mahal na Araw.
5AM noong Sabado, ika-28 ng Marso, ay kitang-kita mo sa mukha ng mga Bikers ang pananabik na umpisahan ang pagbisita sa pitong iba’t ibang Simbahan at Shrines dito sa ating Lalawigan ng Batangas.
Ang kanilang mga pinuntahan ay:
1. Sto. Nino Parish Church, Marawoy
2. Marian Orchard, Balete
3. Divino Amor Chapel-Redemptorist
4. Parish of Mary, Mediatrix of All Grace
5. Our Lady of Mt. Carmel Monastery
6. Metropolitan Cathedral of SanSebastian
7. Parish of St. Therese of the Child Jesus
Layunin ng Bisekleta Iglesia na ituloy ang mga kagawian nating mga Batangenyo tuwing Mahal na Araw at ipalaganap ang turismo sa pamamagitan ng pag-bisita sa mga natatanging mga simbahan na matatagpuan dito sa atin. Hindi lamang yan, naipakita rin ng mga lumahok ang kagandahang naidudulot ng pagbibisekleta sa ating kalusugan at sa ating kapaligiran, bilang isang uri ng ehersisyo na nakakapagbawas ng usok dahil sa hindi paggamit ng sasakyan.
Ang Lima Park Hotel ay sumusuporta sa WOWBatangas.com