Breaking News

Back to School : Anong laman ng bag mo noong Elementary?

2015-04-25 Anatomy of a School Bag
Tanda mo pa ga kung anong laman ng iyong bag noong pumapasok ka pa lamang ng elementarya?

Dati, dala ko lahat ng libro at gamit ko sa eskwelahan kahit ilang hakbang lamang ang paaralan mula sa aming bahay at umuuwi naman ako ng tanghali. Siguro dahil nadala ako ng minsan kong maiwan ang ilan sa mga importanteng gamit para sa akin. 

Tara at muling alalahanin ang ating kabataan!

Kalimitan yung pinakamalaking lalagyan sa bag ang lalagyan ko ng mga notebooks, libro, drawing pad at kung ano ano pang malalaking bagay na kailangan sa pag pasok ng school.

Yung bulsa naman sa harap ay kalimitan lalagyan ko ng pencil case, lapis, pambura, pandikit, clips at ibang maliliit na bagay upang madaling makita sa oras na kailanganin ito.

Yung bulsa sa dalawang gilid naman ang lalagyan ko ng mga matatamis na candy at mga basura na hindi ko agadang maitapos sa basurahan ng aming silid aralan, samantalang yung kabila naman ay ang lalagyan ko ng holen, text at iba pang mga laruang kalimitan namin nilalaro ng mga kaklase ko.

Tips para mga bagay na ilalagay sa bag:
Maglagay din ng ekstrang damit at bimpo sa loob ng bag na mag sisilbing damit/pamunas mo kung sakaling kailanganin.
Wag maglagay ng gadgets/mamahaling gamit sa paraalan, dahil hindi mo naman ito kailangan sa pag aaral at magiging sagabal lamang ito.
Wag mag sasama ng pagkain/inuming tubig sa iyong mga gamit, maaring mabasa at masira ang mga kagamitang pampaaralan kung sakaling aksidenteng mabuksan o matapon ito.
Mabuting magbaon din ng plastic na magsisilbing tapunan ng mga basura upang hindi mo na kailangan pang pumunta sa basurahan.

Ito ay ilan lamang sa mga tips mula sa amin. Ikaw? May maibibigay ka bang tips? I-comment mo na yan!

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.