Kung ang isang tipikal na Batangenyo ay mapapadayo sa mga bayang papar-on ay pihadong hindi pa din maaalis agad sa kanya ang pag gamit ng mga salitang kanyang nakasanayan.
Kahit na kadalasa’y pinagkakatuwaan, hindi maintindihan o nagkakamali ng pakahulugan ang mga nakakarinig ay sadyang taas noo ang isang Batangenyo at may punto nya pang bibigkasin ang mga salitang ito.
Kaya naglista kami ng ilan sa mga salitang madalas ginagamit ng isang tipikal na Batangenyo.