Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-48 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng batangas at ika-30 Sublian Festival ay nagdaos sila ng Sublian Street Dancing nito lamang nakaraang Sabado, ika-22 ng Hulyo 2017.
“Sublian Festival: Pagkakataong Makilala ang Lungsod ng Batangas” ang tema ng pagdiriwang ngayong taon at ang Street Dancing Competition ay sa iba’t ibang katergorya. Mayroong nagmula sa iba’t ibang Departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas at iba’t ibang mga eskwelahan na nagpagalingan sa Street Dancing ayon sa saliw na Sinsay na sa Batangan na may temang “Isayaw, Isigaw Pagmamahal sa Batangan”
Ikawalo ng umaga nang nagsimula ang street dancing, nagsayaw sa kahabaan ng P. Burgos St., Rizal Avenue at kung saan nagtapos sa may Batangas Sports Coliseum ang mga kalahok. Matapos ang ilang minutong pahinga ay nagpagalingan naman sa makapigil hiningang mga stunts at nagpagandahan ng mga kasuotan ang mga kalahok sa Cheerdancing Competition.
Listahan ng mga Nagwagi
Government Office Category:
Champion: City ENRO
1st Runner-Up: City Engineer’s Office
2nd Runner-Up: City Mayor’s Office
Open Category
Champion: AMA CLC Lipa City
1st Runner-Up: Batangas Province High School for Culture and Arts (Sr. High School Arts and Design)
2nd Runner-Up: The Mabini Academy – Lipa City
Schools Category:
Champion: Marian Learning Center and Science High School
1st Runner-Up: Balete National High School
2nd Runnper-Up: Batangas City East Elementary School