Breaking News

Brgy. 5 at Dumuclay Tinanghal na Huwarang Barangay ng Bats. City

huwarang barangay Nanalo ang Barangay 5 sa Gawad Parangal Para sa Huwarang Barangay 2009 Urban Category, habang nanalo naman ang Dumuclay sa Rural Category. Ang nasabing patimpalak ay taunang gawain ng pamahalaang lungsod ng Batangas upang mapalawak ang kampanya nito sa pangangalaga ng kapaligiran.

Bilang pagsuporta ng Department of Education sa Batangas City sa environmental program ng pamahalaang lungsod, nagdaos din sa unang pagkakataon ng Huwarang Paaralan kung saan lumahok ang mga public at public schools. Naging kampion dito ang San Agapito National Highschool sa Barangay Isla Verde.

Para sa RuraL Category, 50% ng criteria para sa Huwarang Barangay ay ang kalinisan at kaayusan kung saan walang dapat na makitang di maganda sa paningin kagaya ng basura o anumang kalat, mga giba na o sirang straktura, napabayaang mga posters at streamers at kahit na mga maduduming idle lots o open spaces.

Dapat ding makita dito ang ginagawa ng barangay sa pagpapalaganap ng food production sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay sa kanilang mga bakuran kung saan binibigyan ng puntos ang lawak ng lupang tinataniman at ang dami ng ani ng gulay. Kasama rin sa tinitingnan ang nutritional status ng mga bata sa Barangay upang masabing nakakatulong ang food production sa pag-angat ng nutrisyon ng mga bata at ito ay ibinabase sa figures ng City Nutrition Division ng City Health Office.

Isa ring criteria ang pagkakaroon ng Materials Recovery Facility kung saan dapat ipakita rito ang pagbubukod ng basura sa nabubulok at di nabubulok sa mga kabahayan bago ito dalhin sa MRF at ang dami ng naiipagbiling recyclables ng nasabing facility.

Sa Urban Category, ang criteria ay ang pagbubukod ng basura sa mga bahay at sa mga business establishments at pagkakaroon ng mga functional segregated garbage receptacles na may mga cover . Kasama rin dito ang kalinisan at kaayusan at ang lawak ng pagtatanim sa mga tabi ng kalsada at kabahayan. Dagdag sa puntos ang Christmas Décor contest na ginanap noong nagdaang Disyembre kung saan napili na ang mga nanalo.

Tumanggap ang Dumuclay ng P1milyon premyo habang ang Barangay 5 naman ay halagang P100,000 bukod sa tropeo.

Pinili naman ang Huwarang Paaralan sa areas ng environmental awareness, community mobilization, MRF operations at food production. Tumanggap ang first place winner ng cash prize na P50,000 at tropeo.

Ulat mula kay: Dimpy Lontoc-Matienzo, PIO Batangas City

[tags]Brgy. 5, Brgy. Dumuclay, Batangas City, Batangas, Huwarang Barangay, huwarang paaralan, WOWBatangas[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.