Breaking News

Batangas City Alay Lakad Committee Embarks Own Scholarship Program

Sana’y maraming tao pa ang magtaguyod ng mabubuting adhikain upang tulungan ang mga nangangailangan. Salamat sa mga organisasyong tumutulong sa pagbibigay ng pagkakataong makapag-aral ang mga kabataang kapus-palad.

PRESS RELEASE
Public Information Office
Feb. 25, 2010

Magbibigay ng full scholarship para sa mga matatalino ngunit mahihirap na mag-aaral ang Alay Lakad Executive Committee. Isa ito sa mga bagong proyektong ipapatupad ng committee sa taong ito.

scholarship program batangas city alay lakadTutustusan ng alay lakad committee ang kabuuang halaga ng tuition fee at iba pang pangangailangan ng scholars. Ito ay upang maisigurong makapagtatapos sila ng pag-aaral at magkakaroon ng magandang buhay.

Kaugnay nito at napagkasunduan sa huling pagpupulong ng alay lakad noong nakaraang linggo, na magbubuo ng alituntunin o guidelines para sa full scholarship ang project committee sa lalong madaling panahon upang maipatupad ito sa pagbubukas ng klase sa Hunyo. Nais rin ng committee na matiyak na makikinabang dito ang mga karapat dapat na estudyante.

Ipatutupad rin ng committee ang libreng skills and technical training para sa mga out-of-school-youth, para mabigyan sila ng kasanayan at pagkakataong makapagtrabaho.

Ipagpapatuloy naman ng Alay Lakad ang Sulong Dunong program kung saan ito ay may 66 na scholars na tumatanggap ng buwanang transportation allowance. Tutustusan pa rin nito ang mga convention at leadership seminars para sa mga kabataan. Ipagpapatuloy rin ng Alay lakad ang pagbibigay ng quarterly allowance sa dalawang kabataang miyembro ng City Council for Welfare and Children o CCWC.

Samantala, kamakailan ay tumanggap ng “Salamat Po” award ang pamahalaang lungsod ng Batangas mula Department of Social Welfare Region IV. Isa sa binigyang puntos dito ay ang mahusay na pagmamahala ng Alay Lakad at mga proyekto nito. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)

[tags]batangas city alay lakad committee, batangas city news, alay lakad scholarship program, scholarship program in batangas city[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

4 comments

  1. Can I apply scholarship for my college studying? Because I’m a poor student’s.Please. I’m just only need to study at college,help my family.

  2. good day po.. gusto ko po snang mag apply sa inyong scholarship program upang makapagtapos po ako ng pagaara.. pangarap ko pong maging isang guro balang araw kya nman nag tatarabaho din ako bilang park timer sa isang fast food chin sa batangas city.. mahirap po kmi ngunit gusto kong mbgo ang aming pamumuhay. sana po matulungan ninyo aq. handa po akong sumailalim sa pagsusulit at interview ano mang oras nyong kailanganin
    sana po matulungan ninyo ko.

    salamat po!!

  3. Hello mates, its enormous article on the topic of teachingand
    completely defined, keep it up all the time.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.