Breaking News

Batangas Earth, Wind and Water Festival 2018

Muli na namang nagtipon tipon ang mahihilig sa extreme sports kahapon, ika-3 ng Pebrero sa Batangas Greenvale, Brgy Malabanan, Balete Batangas upang tunghayan ang Mountain Bike Racing kung saan sinubukan ang tatag ng mga kalahok sa uphill and downhill slopes ng race track, RC Plane Exhibition at ang pinaka highlight ngayon taon, ang 8vs8 Dragon Boat Tug of War na ginanap sa baybayin ng Balete Bay!

Ang 8vs8 Dragon Boat Tug of War ang isa sa mga kinagigiliwang panuodin ng mga tao dahil sa kakaibang mechanics ng laro. Madalas na reaksyon ng mga tao ang magulat dahil isang kakaibang Tug of War ang kanilang natunghayan. Ang bawat team ay binubuo ng tig walong katao at ang magkalaban ay pupwesto sa magkabilang side ng dragon boat. Kailangan nilang sumagwan upang maitulak ang kabilang grupo at mailampas sa itinakdang linya. Kailangan ng tamang koordinasyon at team work upang maipanalo ang larong ito.

Tunay namang isang malaking tulong ito sa Bayan ng Balete upang mas maipromote ang bayan nila hindi lamang sa mga Resort na nakatayo dito kundi isang lugar din para sa mga extreme sports at iba iba pang activities.

 

Ito ang Season 5 ng naturang event ng Lima Park Hotel at plano pang mas palakihin at pasayahin ito sa mga susunod na taon.

Listahan ng mga nagwagi:

Mountain Bike Racing : Professional Category
46 Michael Limaco
38 Robert De los Reyes
41 Jayson BanateMountain Bike Racing : Beginner Category
40 John Vincent Celemen
63 Gerome Alejandro

Dragon Boat 8vs8 Tug of War
Champion : Team Rouge

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.