Prodigal ka ba? Pag naririnig natin ang salitang “prodigal”, ang unang naiisip natin ay ang paglayo sa Ama. But the son was a prodigal son because he squandered the money of his father, aside from the fact that he turned his back on his loving father. Kaya, sa madaling salita, ang prodigal ay tinawag na prodigal dahil siya ay gastador. Nilustay niya ang kayamanan ng kanyang ama. Pero ang maganda sa istorya, naubos man niya ang pera ng ama, hindi naman niya nabawasan ang pagmamahal at awa ng tatay niya. So this is not just about the prodigal son; this is also about the loving father. This is about the mercy of God, our Father. Ala eh, kaganda ga ng istorya! Pero di lamang ito kwento, kapatid, ito ay totoo.
I think it may help if we try to trace the steps taken by the prodigal son in order to set for us a concrete example as to how conversion takes place:
1. awareness
2. acceptance
3. decision
4. action
The prodigal son did not remain prodigal and he did not end as prodigal. Please note that well. The beauty of his life story lies on the fact that it had a happy ending because he underwent a dramatic change and that his loving father welcomed him with a loving embrace. Di ka ba naaakit ng katotohanang hatid ng talinghagang ito? Ang katotohanan na ganun kabait at kabuti ang Diyos sa kabila ng iyong pagkakasala? So now is the time for you to take the steps taken by the prodigal son.
Awareness. Unang hakbang ang kamalayan sa iyong sarili: sa iyong nagawa, pagkakamali, kapalpakan, kahinaan, at iba pa. Basic ito. Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang anumang pagbabago. Kaya dapat lagi mong suriin ang iyong budhi. Check mo ang konsiyensiya mo. Tanungin mo ang sarili mo kung saan ka nagkulang o nagmalabis. Spend time for quiet reflection and solitude. Kailangan mo yan. Kung may pagkakataon ka, makakatulong ang pagdalo sa retreat o recollection. May magagawa din ang honest to goodness counseling. Kung may kaiibigan ka na confidant mo, you may want to get some feedbacks from him or her, basta yung totohanan at hindi bolahan.
Acceptance. Matapos mong mamalayan, ngayon naman kaya mo bang tanggapin? Challenging ito kasi ang issue dito ay mga hindi maaliwalas na bagay: unpleasant realities about yourself. At dahil totoo naman nga, magde-denial ka pa ba? Wala yung magagawa. Lalo ka lang magiging malala. Just accept it. Yan naman ang meaning ng humility eh.
Decision. Not is the time to make up your mind. Hindi ka dapat tumigil sa acceptance lamang. Do you want to remain as you are after having seen and discovered yourself? Or do you really want to change. Facelift ng ugali. Make-over ng pagkatao ba ang gusto mo? Bakit yung iba gusto mo baguhin at ang galling mo pa magpayo, samantalang ikaw na ngayon itong kailangan magbago. Magpasya ka. Now na! Hindi mamaya, hindi bukas o makalawa. The time to decide is now. And you have to do this alang-alang sa Diyos, at alang-alang sa mga taong nagiging hindi masaya dahil sa iyo, at alang-alang sa mga taong nahihirapan dahil sa bulok mong ugali. Gusto mo ba tumanda ka na lang na laging ganyan? Life is very short. Kaya sasayangin mo pa ba? Magdesisyon ka.
Gawin mo na. Nagpasya ka na rin laang. It will all go down the drain kung hindi mo lulubusin ang hakbanging ito. Sundan mo agad ng pagkilos at pagsasabuhay ang desisyon mo. Kung nagpasya kang magsipag, magtrabaho ka na agad. Kung nadesisyon kang maging mabait, huwag ka na magsungit. Kung gusto mo maging tapat, be honest kahit di yan ginagawa o nagagawa ng ibang tao. Ang mahalaga alam mo ang gusto mo at binabalikat mo ito. Kapag nagawa mo ito araw-araw, may isang tao na tiyak mong nagbabago. Ikaw iyon.
This is really helpful. Thanks Fr. Jojo for this post. Aabangan ko po ang mga tulad pa nito. Sana marami makabasa, Salamat sa facebook post nito.
This is really helpful. Thanks Fr. Jojo for this post. Aabangan ko po ang mga tulad pa nito. Sana marami makabasa, Salamat sa facebook post nito.