Breaking News

Be One with the World, Join the Earth Hour!

Let’s join the rest of the world in observing the Earth Hour. Isang oras lang naman ito, kayang-kaya natin kung nasa puso ng bawat isa ang malasakit sa Inang Kalikasan.

Public Information Office
PRESS RELEASE
March 15, 2010

Nanawagan si City Administrator Philip Baroja sa mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Batangas matapos ang flag ceremony ngayong Lunes na makiisa sa Earth Hour sa March 27 mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi kung saan sa loob ng isang oras lahat ng tao sa buong mundo ay sabay sabay na papatayin ang lahat ng ilaw sa kanilang tahanan at establisyemento.

Ang Earth Hour ay isang pandaigdigang kampanya upang mabawasan ang global warming o pag-iinit ng mundo sanhi ng pagdami ng green house gases kagaya ng carbon dioxide na nanggagaling sa emission ng mga ilaw .

Ang bawat bumbilya na hindi gagamitin sa loob ng isang oras ay may katumbas na kalahating kilo ng carbon dioxide na isa sa mga gases na patuloy na sumisira sa ozone layer. Ang patuloy na pagkasira ng ozone layer ay nagdudulot ng ibayong pag-init ng mundo na pinaniniwalaang nagdudulot ng mas mapanirang kalamidad at iba pang problema sa kapaligiran. Nagiging sanhi din ito ng skin cancer dahilan sa pagkawala ng proteksyon sa init ng araw. (Ronna E. Contreras, PIO Batangas City)

[tags]earth hour 2010, batangas earth hour, earth hour philippines, earth hour batangas, environment protection, energy conservation[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Vespa Clubs Tour Taal Lake, Celebrate LIMA Park Hotel’s 15th Anniversary

The Taal Lake Loop has been a popular route for motorcyclists. With scenic landscapes, asphalt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.