Kasabay ng Ber-Months ay lumakas na rin ang hangin sa Kalye Huntawanan dahil kay pareng Rudeh. Ika nga ng mamay eh, maubos na ang yaman, wag lang ang yabang.
Ano kayang ibinibida nare kay Timyong at Toet?
Panuodin ang tatlong serye ng nakakatawang jokes at mga bagong Salitang Batangenyo sa Episode 3 ng Huntawanan!
Diksyunaryong Batangenyo!
- Agwanta
- kahulugan : magtiis
- halimbawa : Ay utoy ika’y magtiis muna diyan sa maikling lapis at tayo’y wala pang kwarta.
- Tubal
- kahulugan : damit na naisuot na pero di pa nalalabhan, gamit na damit
- halimbawa : Naku naman ang batang are, pinagtubal na ang kanyang salawal eh kaaga pa eh!