Breaking News

Selebrasyon ng ika-100 taong pagkakatatag ng Bayan ng Malvar

Noong 1919 pinasinayaan ng pagkakatatag at tuluyang pagiging Bayan ng Malvar. Hango ang ngalan nito sa magiting na Heneral Miguel Malvar na mas kilala bilang kahuli-hulihang heneral na sumuko sa mga Amerikano.

Ipinanganak noong Setyembre 27, 1965 sa Sto. Tomas, Batangas nina Maximo Malvar at Tiburcia Carpio na pawang mga magsasaka.   Tubo at Palay ang mga pangunahing pananim ng kanyang ama kaya naman siya at kanyang mga kapatid ay napag aral.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, siya’y umunlad sa paglilinang ng kahel sa lupang pinagtatrabahuhan niya ng husto. Isa sa mga pinuno ng kilusan noong Himagsikang Pilipino at sa kalaunan ang Digmaang Pilipino-Amerikano.

Sa taong 2019 ang ika-100 taong pagkakatatag ng Bayan ng Malvar kaya ngayon pa lamang ay sinimulan na ang selebrasyon nito sa pamamagitan ng Street Dance Parade na nagsimula sa Brgy Luta, Malvar, Batangas at nagpatuloy sa Malvar Municipal Hall sa Brgy. San Pioquinto, Malvar, Batangas. Makukulay at masisiglang nagsayaw ang mga kalahok mula sa iba’t ibang eskwelahan at komunidad sa Bayan ng Malvar.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.