Breaking News

Maginhawa Community Pantry inspired Community Pantry sa Probinsya ng Batangas

Matapos magviral nitong nakaraang linggo ang itinayong Maginhawa Community Pantry ni Patricia Non, isang residente ng Quezon City. Utay utay na nagsulputan ang mga community pantries sa iba’t ibang parte ng bansa maging dine sa atin sa Batangas.

Ang bawat community pantry ay may simpleng panuntunan lamang ito’y ang “Magbigay batay sa kakayahan, kumuha ng ayon sa pangangailangan.”. Layunin nito na magbigay sa mga nangangailangan at magkaroon ng lugar na mapaglalagakan ng ng ang mga nais magbahagi ng tulong sa komunidad.

Isa sa mga nagpasimula dine sa atin sa Batangas ang magkasintahang si Avi at Nataniel na tubong Lipa at San Jose.

“In the past we’ve already received ganitong requests or bookings, to be a way of giving sa nangangailangan.

Minsan may magpapadala ng food sa mga front liners, sa mga homelessWith our platform, we learned na hindi lang pala food and medicine ang essential, pati ang compassion and kindness para sa mga nangangailangan.

We are paying it forward, sana madami ang sumunod at mainspire, kasi times are hard and so to give hope kahit simple lang is really a big thing.”
– Avi Helena Perez Babao | Nataniel Olan (Couple Kuya Padala Owner)

Mahalaga ang “Honesty System” sa mga katulad nitong Community Pantry upang maging sustainable ito ay mapakinabangan talaga ng mga taong nangangailangan ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman hinihikayat ang ating mga kababayan na wag abusuhin ang mga mabubuting gawing tulad nito upang mas maging kapakipakinabang at mas marami pang matulungan ang mga Community Pantry.

Panatilihin din natin ang mga protocols na ipinatutupad dine sa atin sa Batangas bilang pag iingat sa pagkalat ng Corona Virus.

Are ang listahan ng mga Community Pantry sa Batangas:

Batangas City, Batangas
Flatwhite Cafe/ Brgy Alangilan

B. Laqui St. Brgy. Poblacion 2 Cuenca, Batangas

M. Apacible cor. Lucas Nueve St., Brgy. 5 (Poblacion), Lian, Batangas

Brgy. Sabang Lipa City | Brgy. Lodlod, Lipa City, Batangas

Brgy. Santiago, Malvar, Batangas

Brgy 4, Mataasnakahoy, Batangas

Sukitel Budget Hotel, Nasugbu, Batangas

Brgy. Namunga, Rosario, Batangas

San Pascual, Batangas

Tanauan City, Batangas

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.