“Let the dead bury their dead” (Luke 9:60). Parang malupit ang mga salitang ito ni Hesus. Subalit kung pag-aaralan at uunawain natin, isa lang ang ibig nitong sabihin: “Now na!” this simply means that if anyone wishes to follow Christ, he or she must not delay. The time is now. Kaya kung magpapakabait ka, ngayon na! Kung magbabagong-buhay ka, ngayon na! Hindi pwedeng mamaya pa o bukas o makalawa. Now na!
Natatandaan ko nang minsan may nakita akong sticker sa isang kotse na ganito ang isinasaad: “Those who wait for the 11th hour die at quarter past ten o’clock.” Tama nga naman. Kung tutuusin, wala namang tao na hawak ang haba ng kanyang buhay. Yes we can do something about the quality of our life but there’s nothing we can do about the quantity of our existence here on earth. So it’s foolish to delay the good things that we can do now. Sabi nga sa awitin, “Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito, kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko NGAYON, idulot ninyong magawa kong lahat.”
Kung ayaw natin ng mga delays tulad ng delivery ng anumang bagay sa pintuan ng ating bahay, ganun din ang Diyos. Ayaw niya ng delay sa pag-deliver natin ng mga mabubuting gawa. Tragic nga yung isang insidente kung saan isang tao ang naaksidente sa kalye kaya duguan at isa na siyang bangkay na hawak-hawak nang kanyang kapatid. At habang hawak niya ang malamig at sugatang katawan ng kanyang kapatid ay naibulalas niya: “Kuya, huwag ka sanang lilisan! Di ko pa nasasabi sa iyo na mahal kita!”
Time flies. Life is short. So let us not waste time by spending our life in a way pleasing to God…without delay. Now na!