Inihayag ni Commissioner Gregorio Larrazabal na iniurong ang araw ng registration sa Hulyo 22 hanggang 31 mula sa nauna nitong schedule na Hulyo 15 hanggang 25.
Nagtakda ng panibagong registration ang Commission on Elections (Comelec) dahil kailangang paghandaan ng naturang ahensiya ang mga gagamitin sa nasabing halalan (sa Oktubre 25, 2010) gaya ng pag-imprinta ng mga registration forms, at mobilization ng mga personnel.
Samantala, tuloy pa rin ang registration para sa barangay election sa Agosto 1 hanggang 10. Nakahanda na rin ang humigit-kumulang 43, 000 posts para sa barangay polls at SK Chairman at 293, 965 para sa Sangguniang Barangay at SK Council para sa halalan sa buwan ng Oktubre.
So ano, kabataang Batangenyo, maghanda na at magpa-rehistro.