Breaking News

BY ACCIDENT

Sino ang aking kapwa? Siya yung natagpuan mo na nangangailangan by accident and maybe because of an accident. Hindi siya kailangang maging kumpare, kaibigan, kakilala, o kamag-anak mo. Sino man siya, di mo man siya kilala, kung nasa kalagayan siya ng pangangailangan, siya ang iyong kapwa. At siya ay dapat mong tulungan. Kahit pa siya ay isang kaaway. At iyan ang matindi sa aral ni Hesus. Para sa marami sa atin, dapat lang natin tulungan ang mabubuti sa atin. Subalit iba ang maging tunay na Kristiyano. Mangangahulugan ito ng pagtugon sa pangangailangan ng kapwa maging kaaway man siya.

Sa Parable of the Good Samaritan magkaaway ang biktima at ang Samaritan dahil kinamumuhian ng mga Hudiyo ang mga Samaritano sa dahilang ang mga Samaritano ay nag-asawa ng ibang mga lahi. Sa tingin ng mga debotong Hudiyo, ang mga Samaritano ay hindi na puro at nabahiran na ng ibang lahi. Subalit sa istorya ay may twist of event. Yung minamaliit na Samaritano pa pala ang siyang magkakawang-gawa sa taong umaalimura at nangmamaliit sa kanya. By accident nadaanan niya ang isang nangangailangan. At ito’y kanyang sinaklolohan nang walang kundisyon.

Good Samaritan nga siya kasi kahit kaaway na niya ay tinulungan pa niya. Yan ang ibig sabihin ng pakikipagkapwa ayon sa inilalarawan ni Hesus. Hindi sapat sabihin na “walang kumpare-kumpare, walang kamag-anak…” Kahit kaaway tutulungan kung siya’y mangangailangan. Matindi talaga pala ang aral Kristiyano. Dakila talaga ang turo ni Hesus. Sana makaya nating lahat gawin ito.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.