Breaking News

The Best Batangas Pulutan

Tanong: Paano mo uubusin ang isang galong Lambanog San Juan? Ang sabi ng tomador sa kanto, “Ah pagka garneng tag-ulan madali laang iyan. Kataasa’y magbangi ng isda o mag pang-os ng kalamyas at sya pihong mahaba-habang huntahan at barikan, oras ay di mo na maaalman!”

Kahit saang dako yata ng mundo ay hindi mawawala ang kasiyahan tulad ng inuman o para sa ating mga Batangenyo, ang BARIKAN! Basta’t kumpleto ang barkad, may tinutugtog na gitara, may mayabang na bangka, ay sya ayos na. Pero teka, ano na nga ang mga da best na pulutan para sa mas swabeng inuman? Heto ang ilan.

SISIG at CHAMPENI
Wala na yatang tatalo pa sa ma-anghang na Sisig at Champeni. Itong dalawa ang kalimitang present sa mga barikan. At dahil nga masarap, naglevel up na rin ang sisig at champeni. Kahit nga sa mga sikat na restaurant aba, sila rin ay matitikman! At alam nyo ga, dito sa Lipa ay may sikat na sikat na sisigan. Diyan lang sa may Talisay, ay talaga namang “must try!”

BULALO at GOTO
Marami din ang may gusto nito base sa ating survey sa facebook. Pagka nga naman garneng maulan ay di ga’y kasarap nga naman ng mainit na sabaw ng bulalo o kaya nama’y goto? Pag-inom ng lambanog, kain ng kaunting pinalambot ng karneng baka at sya, higop na. Sa may Banaybanay Eatery ay super sarap ang bulalo, at sa Gotohan naman sa Barangay sa Lipa ang masarap ng goto. hala, subukan ninyo!

BOY BAWANG, SUGO, BESUTO, CHICHIRYA
Are naman ay para sa mga tinatamad nang magluto at ang trip ay mga pica-pica. Except pala sa Besuto prawn crakers na piniprito muna. Masarap din silang pulutanin sa mga tomahan. Madali pang hanapin dahil available ang mga ito sa inyong mga suking tindahan. Isawsaw laang sa sukang may sili at kaunting asin (as in Salt and Vinegar) at sya’ ayos na!

BINANGING TAWILIS, TILAPIA, BANGUS O KAHIT ANONG ISDA
Aba’y patok din ang mga ito sa mga mahilig bumarik. Mahirap hirap laang lutuin at ihanda. Pero sabi nga, Kahit basa ang bunot ay tuloy laang ang bangi, pasasaan ga’t iya’y matutusta rin. Masarap isawsaw ang mga ito sa toyo at kalamansi, samahan mo pa ng sibuyas at sili.

KALDERETANG KAMBING, GINATAANG MANOK AT KAHIT ANONG ADOBO
Lahat naman yata masarap sa harap ng alak at malulutong na hagalpak. Kahit anong maalat wag lang purong asin ay swabe na. Ang mga are din ang mga common pulutan sa mga inuman, isama na natin dyan yung mga BBQ, Afritada, Puchero at mga usual barrio fiesta dishes.

MANGGA, KALAMYAS, SANTOL atbp.
Nakakapangasim ano? Aba’y dig din ito ng ilang manginginom diyan. Isawsaw sa alamang o bagoong ang hilaw na mangga. Isawsaw sa asin ang santol at kalamyas ay siya pihong ang inuman ay aabutin ng umaga. Ay talaga namang nakakapaglaway sa asim ang trip na ito. Sabi nga, kanya-kanya laang!

At sa huli, sana ay tayo’y mga responsableng manginginom. Tama ang bilin ng lola na wag munang uminom ng serbesa kung bata pa. Tama rin na huwag mag drive kapag lasing. At tama din syempre na Moderate lamang ang pag-inom tulad ng mga sabi sa mga patalastas. Wala pong masama kung magsasaya at iinom ng kaunti basta hindi po sobra at makakasama sa kalusugan at kaligtasan ng kapwa (Aba ay baka mapa-away eh kapag barik.)hik!

P.S. Ito po ay base sa inyong mga sagot sa ating survey sa facebook. Salamat sa pagcomment at pagsagot kabayan!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Freshest Agri and Livestock Produce Available at Padre Garcia’s Pick & Go Farm

The “Cattle Trading Capital of the Philippines”, the Municipality of Padre Garcia, Batangas, has yet …

No comments

  1. Si Gerlie ang pinakamalakas tumoma.

  2. Si Gerlie ang pinakamalakas tumoma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.