Kapit-bisig sa gitna kalamidad – sana’y manatiling matatag ang bayanihan ng mga Batanggenyo at laging tapat at taos-puso ang paglilingkod ng mga tao sa gobyerno ng lalawigan ng Batangas.
PRESS RELEASE
Batangas Capitol
July 29, 2010
Apektado ng bagyong Basyang at Army Worm sa 1st district binigyang tulong
Nasugbu, Batangas - Naghandog ng tulong para sa mga apektadong magsasaka at mga pamilyang apektado ng bagyong basyang sa unang distrito ng Batangas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Operation: Army Worm Crack Down at Financial Assistance Distribution.
Pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang pagbibigay tulong sa may 1065 na apektadong mga magsasaka at 1228 na pamilya na naapektuhan ng bagyo sa Dr. Francisco Calingasan Mem. Colleges Foundation Gymnasium noong ika-29 ng Hulyo 2010.
Ipinamahagi sa mga magsasaka mula sa may 75 Barangay mula sa bayan ng Nasugbu, Lian, Tuy, Balayan, Calatagan, Calaca, Lemery at Taal ang mga pesticides at back pack pesticide sprayers na handog ng Provincial Agriculture Office para sugpuin ang pesteng uod sa mga pananim.
Tumanggap naman ng financial assistance na nagkakahalaga ng kabuuang P4 na milyong piso para sa lahat ng indibidwal na lubhang naapektuhan ng sirain ni bagyong Basyang ang kanilang mga tahanan.
97 pamilya na totally damaged ang tahanan ang tumanggap ng halagang pitong libong piso, habang ang mga pamilyang partially damaged ang mga ari-arian ay pinagkalooban ng talong libong piso.
Sa kanyang pagharap sa mga taga unang distrito, ipinagbigay alam ni Governor Vi ang mga agarang hakbang na ginawa ng kanyang paumunuan sa pag-talima sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong bayan ng dalawang magkasunod na kalamidad.
Ipinaabot nito partikular sa mga naging biktima ni basyang ang maigting na pagahahanda at pakikipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga lider barangay para sa mga mahahalagang impormasyon.
“Pakiusap ko po sa mga tao, lalo na yun mga malalapit sa dalampasigan, ilog at mga labak na pakinggan po natin ang mga awtoridad, pag sinabi po may signal na ang bagyo at patuloy na lumalakas agad na po tayong lumikas sapagkat walang kapantay na kapalit ang buhay ng bawat isa sa inyo” wika ng Gobernador.
Pinagbigay alam din nito ang kahandaan ng mga evacuation areas para sa kanilang mga pangangailangan
Kasamang naki-isa sa damayang bayan sina 1st District Congressman Tom Apacible, 1st District Board Members, Roman Rosales at Loring Bausan, Vice Governor Mark Leviste, Chief of Staff at Provincial Agriculture Office Head Pedrito Martin Dijan Jr, Provincial Social Welfare Department Head Jocelyn Montalbo. /Edwin V. Zabarte/PIO