Breaking News

Walang Ginawa

“May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat na nakalupasay sa mga pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abrahan, kapiling si Lazaro.” (Lk 16:19-23)

Make no mistake about it. Hindi dahil sa siya ay mayaman kung kaya nagdusa ang taong nabanggit sa talinghaga. Nabulid siya sa Hades, isang lugal ng apoy ng pagdurusa, dahil sa wala siyang ginawa upang tugunan ang kahirapan at gutom ni Lazaro na isa namang pulubi. Hindi niya kasalanan ang pagiging mayaman. Ang kasalanan niya ay yung kita na niyang may nangangailangan ay wala pa rin siyang ginawa. Ang tawag diyan ay “sin of omission.” Kasalanan yung maganda at dapat gawin pero hindi mo ginawa. Oo, hindi nilait, hindi sinaktan at hindi itinaboy ng mayaman ang pulubi. Pero hindi rin niya ito tinulungan, hindi niya ito pinakain, pinainom o binigyan man lang ng maayos na damit. So maaring hindi ka nga nanlalait pero hindi ka naman marunong pumuri. Maaring hindi ka nga nagnanakaw pero hindi mo naman tinututulan ang kasamahan mong alam mong nagnanakaw. Maaring hindi ka nga nagtataksil sa iyong asawa pero hindi mo naman siya inaasikaso. Maaring hindi ka nga ganid pero hindi ka rin naman marumong magbigay. Maaring hindi ka nga mabisyo at abusadong ama o ina ng tahanan, kaso wala ka namang pakialam at walang ginagawang kongkretong hakbang para aksiyunan ang problemang kaharap mo lamang.

 Maraming tao ang nagsasabing, “Wala naman akong ginagawang masama.” At very confident sila na they are blameless. They are wrong. Ang dapat sabihin sa mga taong ganun ang katwiran ay ganito: Wala ka ngang ginagawang masama, pero wala ka rin namang ginagawang mabuti. Kapahamakan ang kauuwian ng ganyang sistema ng buhay. Anumang uri ng pagkunsinti sa anumang mali at makasalanan ay isa ring kasalanan. Passivity in the face of immorality is as evil as active participation in any crime or sin. Kaya maiingat kayo. Baka may nakikita or nalalaman ka nang mali na ginawaga ng mga nasa tabi mo pero wala ka namang ginagawa kundi magbulag-bulagan, magbingi-bingihan, magkibit-bailikat, at dedma lang. Akala mo all the while eh wala lang. At the Last Judgment you will have to answer for it. May sagutin ka pa rin sa Diyos, kapatid.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.