Breaking News

Salamat Po!

Sa isang bus, isang binata ang nagmagandang loob na magpaupo sa isang matandang babae. Matapos ang mahabang biyahe, nagkataon na sabay sila sa pagbaba ng sasakyan. Natural, nagpasalamat ang babae sa binata. Nagulat ang matanda nang pasasalamat din ang itinugon ng binata kaya sinabi niya dito: “Iho sa tagal ko nang sumasakay ng bus, ngayon lang may nagpaupo sa akin, kaya ako ang dapat magpasalamat!” Subalit ang sagot ng binata: “Ale, sa tagal ko na pong nagbibigay ng upuan, ngayon lang po may nakaalalang magpasalamat sa akin!”

Sa Ebanghelyo (Lk 17:11-19) ay inilahad sa atin ang pagpapagaling sa sampung ketongin. Matapos silang pagalingin ni Hesus ay isa lang ang nagpasalamat. Nasaan ang siyam? Baka isang katotohanan din ito sa ating panahon ngayon. Nangyayari din na one out of ten na lang ang marunong tumanaw ng utang na loob sa Diyos. Gumaling man ang sampu pero ang siyam ay may “karamdaman”pa rin. Kuminis ang kanilang mga balat pero makapal naman ang kanilang mukha.

We always have a reason to thank the Lord. Life may not always be easy. Problems may come our way. We may be facing lots of trials and tribulations. But learn how to count, learn how to count your blessings be they big or small. And you will discover that life is wonderful. As the Desiderata says, “…in all it shams, drudgeries and broken dreams, it is still a beautiful world.” Then you will learn how to thank God.

Utang naman natin lahat sa Kanya: ang ating buhay, hanap-buhay, pag-iral, talino, yaman, kalusugan, career, pinag-aralan, pamilya, mga kaibigan, ari-arian, at iba pa. Alin ba ang nasa iyo na hindi galing sa Diyos? Tanging kasalanan lamang, iyan lamang ang nasa iyo na hindi galing sa Diyos. Ang lahat ay biyaya Niya. Everything is grace. Hindi ka pa ba magpapasalamat?

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.