Malaking tulong ang partnership sa pagitan ng gobyerno at pampribadong organisasyon upang maisakatuparan ang mga programa na naglalayong makatulong sa mas epektibong pagtuturo ng ating mga guro. Kung mahusay ang paraan ng pagtuturo ng mga guro, inaasahan ring magbubunga ito ng maganda sa parte ng mga estudyante.
PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS RELEASE December 13, 2010
Public-Private partnership para sa Edukasyon ikakasa ng Batangas at Malampaya Foundation
Batangas City – Ipinahayag ni Batangas Governor Vilma Santos Recto na pag-iibayuhin ng Pamahalang Panlalawigan at Malampaya Foundation Inc. ang kanilang Public-Private Partnership para sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga gurong nasa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Batangas.
Ang pahayag na ito ay naganap noong ika-13 ng Disyembre 2010 nang maging tampok na panauhin si Governor Vi sa isinagawang graduation rites ng Advance Course on Competitive English for Teachers (ACCENT) sa Lyceum of the Philippines University Batangas.
Ipinahayag ni Governor Santos Recto sa harap ng mga nagsipagtapos at ng mga opisyal ng Malampaya Foundation Inc. na pinamumunuan ni MFI Executive Director Jose Luke Esteban na buo ang kanyang suporta at bukas ang kanyang administrasyon sa ganitong mga proyekto na nagsusulong ng kapasidad ng mga guro.
Layunin ng ACCENT training for teachers na pag ibayuhin ang kakayahan ng mga guro sa wikang Ingles sa pamamagitan ng tradisyunal at makabagong paraan sa ilalim ng Computer-Assisted Language Learning (CALL) na gumagamit ng computer programmed instructions at multi-modal learning activities para sa lahat ng age-level.
May kabuuang 30 guro ang nagsipagtapos sa 80 oras na kurso na pinili sa mga Barangay beneficiary. Kinabibilangan ito ng Tabangao, Ambulong, San Isidro, Libjo, Malitam, Cuta, Calicanto, Wawa, Bolbok, at Sta. Rita Karsada. /Edwin V. Zabarte/Bats-PIO
dapat po yata pagibayuhin din ninyo ang values formation sa mga guro, lalo na sa San Nicolas District school. Isa sa mga guro doon na nagngangalang Genefer Mendoza Pesigan ay kumakabit sa isang lalaking may-asawa. Bilang isang guro at dapat na huwaran, maganda ba ang ganitong kaugalian? Pinapakita pa sa buong madla ang kanilang pagsasama, sa katotohanang pareho silang may mga pamilya na? Nakakhiya si Genefer Mendoza Pesigan!! dapat matanggal sa trabaho bilang guro iyan!!