Breaking News

Taya, It, Base, at ang mga Traditional Filipino Games

Sa panahon ngayon, unti-unti nang napapalitan ang mga lumang nakagisnan at para bang nagiging ala-ala na lang ang kung ano mang bahagi ng kahapon. Tulad ng mga larong Pinoy na minsang itinuring na tanging nagpapasaya sa mga bata noong panahong nagdaan.

Ito ang isa sa mga resulta ng pagbabago at pag-unlad na pinanghihinayangan ng marami. Hindi lang naman for recreational reason eh. Ang mga tradisyunal na larong Pilipino ay bahagi na ng ating kultura at kasaysayan. Nakaka-miss yung mga larong kalye noon na para bang hindi kilala ng mga bata ngayon.

Sana nararanasan pa rin nila ang saya na dulot ng mga larong Pinoy. Mga larong sa kalye mas masarap laruin. Nakakapagod pero masaya.

Nami-miss ko ang Ten-Twenty. Pero mas magaling ako sa Chinese Garter. Ang dalawang peklat ko sa tuhod na halos 10 years bago tuluyang nawala ang marka ay dahil sa Jerbase/Gerbase o Agawan Base. Minsan na nga lang ako makisali, pagkakadapa pa ang napala ko.

Ikaw ba ang madalas maging nanay o tatay kapag nagbabahay-bahayan kayo noon? Kita mo nga naman, noon pa lang uso na ang Role Playing Games. At ikaw mismo ang kumikilos at umaarte, hindi isang online avatar na pinipilit mong maging kamukha.

Taguan. Ang saya nito kapag brownout tapos bilog ang buwan at sa kalye kayo maglalaro ng mga kabataan sa inyo. Pero kaming magpipinsan mas madalas sa loob lang ng bahay ang taguan. Mas exciting ‘to kasi tubalan, cabinet, at malalaking kahon ang pinipilit pagtaguan. May alternative kami kapag may hinika dahil sa taguan namin – taguang tsinelas naman.

Sa mga mahihilig lumukso, gaano kayo kagaling sa Luksong Baka at Luksong Tinik? Gaano kalaki ang koleksyon mo ng Jolen at Teks noon? Madalas ka bang maging “it” sa Patintero o sa Langit-Lupa?

Kapag pagod na sa mga takbuhan at tayaan pero gusto pa rin ng kulitan, Pitik Bulag, Jack ‘en Poy, at kahit nga Sawsaw Suka eh pinapatulan pa. Ganyan kakukulit ang mga bata noon. Ikaw ga?

Minsan ka na bang nabangasan sa halos hapon-hapon mong paglalaro ng Tumbang Preso? Kung ikaw naman ang laging panalo sa Sipa noon, gaano kadaming sipa ang nagagawa mo?

Nakakaaliw maglaro ng mga computer at online games. Addicting nga sila kung maituturing eh. Minsan na rin akong na-hook sa FarmVille, Sims, Sorority Life, Plants vs. Zombies at kung ano-ano pa. Ngayon naman, sarili kong score ang pilit kong bini-break sa Angry Birds.

Hangga’t may bagong gadget at game console na ipapakilala ang mga higanteng geniuses sa tech at online world, patuloy rin tayong magkakaroon ng rason para makalimutan ang mga traditional Filipino games.

Ang pagkahumaling sa mga bagong laro ng kabataan at maging ng mga di na kabataan, ay hindi naman problemang maituturing. Depende na lang sa epekto siguro. At ang pagkalimot sa mga larong Pinoy ay di naman dahilan para magmartsa ako, kasama ka siguro, papunta sa Palasyo ng Malacanang.

Kung pwede nga lang tawagin si Dr. Quack Quack at s’ya mismo ang magbalik ng mga larong ito, ang saya sana. 🙂

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

No comments

  1. good day.
    may i know the background of this writer?

    im going to use this as a reference on my thesis :))

  2. nice super nice! I miss my childhood dahil sa mga larong yan,take note kahit mga may edad na kami,ginagawa pa namin yan sa amin,ung tatay at bunsong kapatid ko ang magkakampi sa holen,kaming mga babae ang sagpi sagpi,
    Ang koleksyon namin ng teks andon pa sa kabinet namin,
    Trip lang itago,remembrance ng kahapo,
    Bahay bahayn don sa looban namin,kompleto me kwarto,kusina,salas,katulong pa namin ung tiyo namin sa pag-gawa wag lang kaming palaboy laboy sa kalye,mainit baka daw magkasakit kmi.
    Ang sarap balikan ng mga gawain noong bata pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.