Kailan ka huling nakapunta sa Perya? Kami, medyo matagal tagal na rin. At dahil nga mukhang limot na ang mga alala ng veto, color game at ferris wheel, minabuti ng team ng pumunta at maki-usisa sa perya ng Lipa.
So we went there! May entrance fee na pala sa perya, 20 pesos per head. Kahit pala tanghaling tapat ay maraming pumupunta sa perya — mga bata, matanda, dalaga’t binata, mag boyfirend – girlfriend, mag-iina, magkakapatid at kung sino sino pa. Syempre, as usual madalang ang sosyal.
Color Game, Veto atbp.
Hindi pa rin nga naman nawawala ang color game. Kahit saan ka pumaling maraming color game boards. Sinubukan naming tumaya. Nung una, pataya taya kami ng P5 tapos naging P10 pinakamalaki na yata ang P20. Pinaka maswerte si Dyan nung araw na yun dahil ang napipili nyang kulay ang pinakamadalas tumama. Hindi naman kami nanalo ng malaki, hindi rin naman nalugi, tama lang.
May isang card game kaming nakita na talagang humuli ng aming attention. Para kasing ang simple lang. Huhulaan mo lang sa tatlong cards na mabilis pinagpapalit-palit ang King of diamond. Minimum taya: P100. Sinubukan kong tumaya, medyo malaki rin ang itinaya ko at sa kasamaang palad ay natalo ako. Hindi ko na inulit. Ayon sa teorya ni JR na aming tem leader, ang lahat ng mananaya doon ay maaring kasabwat ng dealer. At ako ang nag-iisa nilang biktima. (Bale, bago pala ako ay si Alva muna.hehe). Tama si JR. At huli na rin ang lahat bago ko ito napagtanto.
We went on observing other games. Parang skilled na talaga ang mga peryante sa pandaraya. Halos lahat may mga technique para di tumaob ang bangka. (Alam nyo na ang ibig kong sabihin.)
Lessons learned: Iwasan ang mga perya games dahil ito ay uri ng sugal. (Yung sa amin naman ay tamang subok lang, hindi para gawing habit.) Huwag ring basta basta magtiwala sa mga tao dahil baka niloloko ka na ng lahat, hindi mo pa alam. At huli, Huwag tataya ng malaki lalo na kung sinusubukan mo lang.
Caterpillar at Ferris Wheel
Matagal tagal na rin kaming hindi nakakasakay ng caterpillar (perya style). Pagkakita namin ni Dyan sa ride na ito, di kami nagdalawang isip sumakay. P15 ang ticket at mahigit 5 minutes din ang itinagal ng pag-ikot ng ride na ito. Nung nagsimula nang umandar ang caterpillar, wala na kaming narinig kundi ang maingay na tunog ng makina, tawa naming dalawa at paminsang minsang sorry dahil naii-ipit ko si Dyan sa tagiliran.
Ibinigay namin ni Dyan ang buong lakas sa pagkapit para hindi kami maipit sa gilid. Nakakatuwa at nakakatawa talaga dahil para kaming sumita ng buong ride dahil kami lang ang sakay. Masarap talagang maging bata ulit.
Kangaroo Man at mga Kababalaghan
Maingay ang announcer ng kangaroo man. Pilit sya nang pilit ng mga tao para masilip ang misteryo ng kangaroo man na iyon. Hindi namin pinuntahan ang booth nila. Hindi namin napagkwentuhan kung bakit. Marahil may iba’t iba kaming dahilan –pwedeng hindi interesado, maaring naaawa, maaring natatakot at kung ano pang pakiramdam. Kung anoman ang lagay ng mamang kangaroo doon, sana okay lang siya.
Sa huli ay napagod rin kami at muli ay nagutom. Ready for another house! Yun din kasi ang aming pakay, ang magpagutom para makakain ulit sa bahay ng isang kaibingang nangumbida. Pero bago kami umalis ay naglaro muna ang team ng dart. (Ito yung game na kailangan mong masimpat ang mga maliliit na lobo para makapag-uwi ka ng chichirya at mga kendi.) P5 para sa 3 darts. Pinakamahusay si JR na nakasimpat ng anim. Umuwi kami na may dalang 2 balot ng chichirya at dalawang kendi.
Well i guess naging napaka-meaningful ng aming adventure na ito. Tumaya kami sa sugal at natalo. Sumakay sa Caterpillar at sumaya. Maraming nadiskubreng modes of operation para makadaya at maka-isa (hindi ito maganda!!!). At higit sa lahat ay naging parang mga bata na humahanga pa rin sa mga mumunting saya at aral na pwede mong matagpuan sa PERYA.
Ang perya nga naman oh, parang LIFE lang!
hi! Gerlie.. 😉