Mahigit pitumpung taon nang ipinagdiriwang ng munisipalidad ng Alitagtag ang Pilipinong tradisyon ng Tapusan. At magpasahanggang ngayon, hindi pa din kumukupas ang nasabing gawain; manapay lalo pa itong rumangya.
Kung tutuusin ay maihahambing ang nasabing pagdiriwang sa Panagbenga ng Baguio at sa kung ano pa mang kilalang mga festivals ng bansa. Pero ang mas nakakabighani sa Tapusan ng Alitagtag ay hindi sumesentro sa kita ng turismo o sa kung anumang diwa ng komersyo ang engrande nilang selebrasyon dahil mas binigyan nilang pansin ang kanilang mga panata at ang pagpunyagi sa Mahal na Birheng Maria.
Mas authentic, kumbaga.
Ang Tapusan ay idinaraos tuwing huling araw ng Mayo. Kasama sa mga aktibidades ng tapusan sa Alitagtag ang pag-aalay ng bulaklak sa simbahan, prusisyon ng mga magagarbong karosa na nagtataglay ng mga samut-saring bulaklak, replika ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas, imahe at rebulto ng Birheng Maria at pagsagala ng mga bata at nakatatandang mga mamayan ng Alitagtag.
Nakakatuwang malaman na mayroon ding lumahok na mga taga- ibang lugar tulad ng taga- Cavite na si Princess Cruz na pitong taong gulang pa lamang ay nagpapakita na ng pagpapahalaga sa mga ganitong klase ng tradisyon. “Sobrang willing n’yang pumarada,” sambit ni Laurito Cruz nang akin syang tanungin ukol sa rason ng pagdalo ng kaniyang anak.
Akin ding nakausap si Ginoong Ruben Mojares ng Lipa Camera Club. Mula pa noong dekada otsenta ay isa na siyang enthusiast nang photography at isa na nga sa mga napili niyang at ng kaniyang grupong puntahan ngayong taon ay ang Tapusan ng Alitagtag. Aniya, “Magaganda kasi ang mga subjects (for photography) dito lalo na ngayon at may paligsahan pa ng floats.”
Naturingan ng Float Capital of The Philippines ang Alitagtag, Batangas dahil na din sa husay at ganda ng kanilang mga ginagawang mga karosa na kontodo ilaw at kung anu ano pang mga kasapakat; meron pang gumamit ng aerial fireworks na lalong nagbigay diin sa karangyaan ng kani- kanilang mga obra.
Hindi maikakaila na ang mga karosa ay pinagbuhusan ng oras,pera, pawis, at syempre, talento.
Ang nasabing paligshan ay may mga kategoryang: Most Impressive Float , Most Attractive Float , Most Artistic Float, Most Creative Float, Most Symbolic Float ,Most Historical Float, Most Majestic Float , Most Magnificent Float, Most Fabulous Float , at Most Elegant Float.
Heto ang mga barangay na nakilahok at ang kani- kanilang mga kapisanan at Hermano Mayores: Barangay Poblacion East, Samahan ng Kabataan, Kap. Samahan ng Kabataan; Barangay Poblacion East/ West, Flores de Mayo, Kap. Flores de Mayo; Barangay Poblacion West, Diwa ng Kabataan, Engr. Rodel Jasa and Family; Barangay Dalipit West, Samahan ng Pagkakaisa, Grandchildren of Ex- Mayor Zacarias Maralit; Barangay Dalipit East, Perlas ng Silangan, Kap. Perlas ng Silangan; Barangay Pinagkrusan, Bukang Liwayway, Kap. Bukang Liwayway; Barangay Dominador East, Bahay Kubo, Engineer. Rolando Catapang and Family; Barangay Dominador West, Bagong Samahan, BC Florencio Villanueva and Family; Barangay Concepcion, Bulaklak sa Mayo,SALACON (Samahan ng Kalalakihan sa Concepcion); at Barangay Balagbag, Kapisanan ng Bagong Pagasa, Kap. Ng Bagong Pag- asa.
Ang mga tumayo bilang mga hurado ay sina Architect Robert Arambulo,Taal Active Alliance Legion (T.A.A.L.) Officer;Chona Andal, Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs, Administrative Officer 5; at JC Parker, TV Celebrity.
Sa pangkalahatan, ang mga tema ng karosa ay umikot sa pagmamahal at pagpupuri sa Birheng Maria, kapayapaan, pangangalaga sa kalikasan at pagkakaisa. Bawat karosa ay may detalyado at natatanging disenyo na nagpamangha sa bawat taong nakakita sa mga ito.
Ang prusisyon ng mga float ay pinapangunahan ng sagala at musiko (marching band) at sinusundan naman ng mga magdadasal. Tinatayang umabot sa 200,000 pesos ang gastos sa isang float. “Magastos pero ito ay bahagi na din ng sakripisyo” ika ni Ginoong Paul Macalintal, Secretary General ng Southern Tagalog Tourism Council at dating Hermano Mayor .
Hindi na rin mahulugang karayom ang daan na pinuno ng mga manunuod na sumusuporta sa kani-kanilang mga pambatong float na halos hindi na rin makausad dahilan nga sa mga taong nakapaligid.
Panay naman ang pagpapasalamat ng Punongbayan na si Francis Anthony Andal sa kanyang mga constituents na nagpamalas ng diwa ng bayanihan na naging buhay na ng Tapusan sa Alitagtag. “This is our own little place in history”, pagmamalaki niya.
Isa sa mga nakahalubilo ko sa Alitagtag ay ang isa sa mga sumagala na si Gia Ilagan, disi- otso anyos, na hindi na din mabilang kung ilang beses na siyang lumahok sa Tapusan. Tinanong ko siya kung mayroon pa ba siyang balak na sumali sa susunod na Tapusan. “Oo naman, kung bibigyan ng pagkakataon, bakit hindi?” kaniyang sangguni.
Oo nga naman.
Sa ganito kagarbong at tunay na makabuluhang selebrasyon, sino nga naman ang tatanggi?
At sana’y maging ehemplo ang bayan ng Alitagtag na hindi lamang ipinapakilala ang mga tradisyong tulad ng Tapusan sa kabataan; bagkus ay lalo pa itong pinapayabong.
Visit our Facebook page to view more photos of 2011 May Flower Tapusan Festival
gusto ko lang po icorrect ang hermana ng kapisanan ng Bulaklak sa Mayo ang hermana po ay ang kapisanan at hindi ang salacon….tumawag na ako sa munisipyp ng alitagtag at nakausap ko ang administrator na si mr. adajar….pero mali pa din ang info nila…sad!tumawag na si ms. osang ba yun?…. even before nila iprint ang invitation nila sa mommy ko pero mali pa din…ako ang president ng kapisanan pero di nila ako tinawagan para itanong ang details…napakaliit na bagay panu pa kayo ang malalaking bagay….ano ba naman yan….ayusin nyo ang trabaho nyo….
Hi Jan! We’ll check with Sir Ian of Tourism and will update as soon as he confirms. Thanks for your correction and your patience.
Congrats on your karosa!
Just to inform you that it was my first time to watch this float festival and I was not aware that it has been practised by the townsfolk for the past 90 years. I salute to all those people who participated in this activity and more power to everyone. As a balikbayan, I will highly recommend to everyone, local and foreign tourist about this event on the end of May. I was not tired of watching the 10 floats and I was amazed by it and the marching bands. Two thumbs up and congratulations to all!