Breaking News

Ano ang sakripisyo mo ngayong panahon ng Kwaresma?

“Remember, man, that thou art dust, and unto dust thou shalt return.”

Today is Ash Wednesday. And this marks the beginning of the lenten season. Ito ang panahon kung saan karamihan sa ating mga Katoliko ang nagsisimba at nagpapalagay ng krus (mula sa abo) sa ating mga noo. This event reminds us of the 40-day liturgical period of prayer and fasting. Also, an event that reminds us of our sinfulness.

At dahil nga tayo ay makasalanan, we need to repent, ask God’s forgiveness, and recognize God’s greatness and love for us — that He gave His only son to redeem us from our sins.

Ang panahon ng kwaresma ay panahon ng sakripisyo. We should also be one with the Lord in offering little sacrifices for the redemption of mankind. Ito ang panahon kung saan kailangan nating isuko ang mga bagay na masarap, madali, or anything that gives us comfort. Kaya nga may mga nag fa-fasting, nag a-abstinence o kaya naman ay may mga personal sacrifices tayong ginagawa.

Ash Wednesday | BatangasIt’s up to us kung ano ang kaya nating isakripisyo. We could let go of our vices, bad habits, panonood ng TV, too much online gaming, facebooking etc. Pwede rin namang i-extend ang prayer time, tumulong sa mga nangangailangan, magsimba everyday. In the end we shall see na may pupuntahan ang mga sacrifices nating ito, gaano man kaliit, kabigat o kalaki.

Pero bakit nga ga kailangnan pang mag sakripisyo pwede namang hindi? Bakit magpapakahirap pa tayo? Sabi nga, hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao. If we are working hard to earn a living, ganun din ang pag-punta sa langit, kailangan ding paghirapan yan, kapatid.

Let’s all have a meaningful and prayerful Lenten season!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

MAD Summit 2024 Highlights Unconventional Art, Inspires Artists to Go Beyond Norm

In this time where Artificial Intelligence (AI) generated content is a dime a dozen, authenticity …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.