Breaking News

Back-to-Back Workshops for Batangas City Folks

It seemed that people of Batangas City had a fruitful summer with the various workshops organized by different offices of the city government in order to provide more opportunities for the locals to develop their own talent and skills thus producing productive citizens of the province’s capital.

Here are the details of the cosmetology, photography, and music workshops done in Batangas City.

PRESS RELEASE
Public Information Office
May 24, 2010

COSMETOLOGY WORKSHOP

May 45 participants mula sa ibat-ibang barangay sa Batangas City ang lumahok sa libreng pagsasanay sa cosmetology ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services na sinimulan noong ika-18 ng Mayo 2010.

Ang kaalaman sa cosmetology ay hindi lamang nagsisilbing skills upang magkaroon ng hanapbuhay kundi pwede ring gamitin sa negosyo sa mga nais na magtayo ng beauty parlors.

Ayon sa trainor ng OCVAS na si Nida Marasigan, Agricultural Technician, ng OCVAS dalawang araw ang pagsasanay sa cosmetology. Ang mga participants ay tuturuan ng hair cutting, hair culture, hair straightening, hot oil, tamang shampooing at rinsing, hair shipping/styling/brushing. Mayroon ding manicure, pedicure, nail shaping, kaalaman tungkol sa mga sakit sa kuko, foot spa at hair and make-up.

Sinabi pa rin ni Marasigan na ilan sa mga mayroon ng negosyo barbershop o parlor dito sa lungsod ay nag sasanay pa rin dahil anila nais pa nilang madagdagan ang kaalaman sa cosmetology.

PHOTOGRAPHY WORKSHOP

Ang photography ay hindi lamang isang magandang hobby kundi pwede ring maging isang propesyon kayat isa ito sa mga napiling ituro sa mga kabataan ng Batangas City Cultural Affairs Committee ngayong summer.

Kaugnay bito, humigit kumulang sa 30 highschool students sa lungsod ang nakapagsanay sa Photography Workshop na isinagawa noong May 14-15 sa Bahay ni Ka Tonying Pastor bilang isa sa mga cultural activities ngayong summer ng pamahalaang lungsod sa pangangasiwa ng CAC.

Kabilang sa mga kalahok dito ay mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na kinabibilangan ng Carmel School, Cristo Rey Institute for Career Development, barangay highschools ng Conde Labac, Talumpok at Tabangao at Casa Del Bambino Emmanuel Montesorri.

Nagsilbing trainors sina Bill Perez at Cynthia Martinez na pawang mga myembro ng CAC.

Naging subject ng photography ng mga participants ang iba’t ibang bahagi ng Bahay ni Ka Tonying kasama ang modelong si Ms Batangas City Foundation Day 2009 na si Ma. Carmel Martinez.

MUSIC WORKSHOP

Inaasahang nakadagdag sa kaalaman ng may 14 na music teachers sa Batangas City ang music workshop na dinaluhan nila noong May 22-23 sa Bahay ni Ka Tonying sa pagtataguyod ng Cultural Affairs Committee ng pamahalaang lungsod ng Batangas .

Ang kilalang Batanguenong music professor na si Agot Espino ang nagbahagi ng kanyang kaalaman sa musika bilang kanyang paraan aniya ng pagbabalik sa kanyang mga kababayan ng angking talentong bigay sa kanya ng Maykapal.

Pinagtuunan ng pansin sa nabanggit na workshop ang mga awiting likha ng mga Batangueno composers kagaya ng sikat na si Ryan Cayabyab, Lorenzo Ilustre at Charo Unite.

Si Espino ay mula sa Barangay Kumintang Ilaya at nagtapos ng kurso sa musika sa University of the Philippines.

Pinuri niya ang mga participants sa pagiging “receptive” at pagkakaroon ng “ears for music” sa kabila ng maikling panahon ng kanilang pagsasanay.

Payo nya na magfocus at maging determinado ang sinuman na nagnanais na maging matagumpay din sa larangan ng musika na tulad niya.

Nakatakdang isagawa ang culminating activity ng nabanggit na workshop at ng workshop sa Folkdance sa ika-29 ng Mayo sa Manuela Q. Pastor Park sa Barangay Gulod Labac kung saan ipapakita mga participants ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng isang pagtatanghal.

(Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)

[tags]public information office, batangas city, community workshops, cosmetology workshop, photography workshop, music workshop, ka tonying pastor, agot espino, batangas[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

MAD Summit 2024 Highlights Unconventional Art, Inspires Artists to Go Beyond Norm

In this time where Artificial Intelligence (AI) generated content is a dime a dozen, authenticity …

No comments

  1. Hehehe, mali yata sa press release… pareho ng content ang COSMETOLOGY WORKSHOP at PHOTOGRAPHY WORKSHOP? Napansin ko lang. =)

  2. Hehehe, mali yata sa press release… pareho ng content ang COSMETOLOGY WORKSHOP at PHOTOGRAPHY WORKSHOP? Napansin ko lang. =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.