Breaking News

Bakit nga ga may buling buling?

Tuwing sasapit ang Linggo bago ang Ash Wednesday o Miyerkules ng Abo, kinagawian na dito sa ating probinsya ang magbasaan o mas kilala sa tawag na bulingan.

Ito ang buling buling, ang intensyonal na pang babasa sa bawat isa. Parang katuwaan kumbaga. Noong una, mas maraming basaan, walang pinipili ang mga mambabasa, bata, matanda, dalaga, binata lahat ng mga dumadaan sa kalye, walang ligtas. Sa paglipas ng panahon, mangilan ngilan na lang ang gumagawa nito, (Ewan nga lang natin sa Lipa na palaging maraming nambabasa, kahit nasa loob ka ng jeep at tricycle, walang kawala.). Minsan kasi ay nagiging sanhi ito ng kaguluhan o kaya ay may mga nasasaktan dahil sa di magandang paraan ng pangbubuling.

Ayon nga sa isang kaibigang pari, wala naman itong religious significance. Tradition lang. At wala namang masama na magsaya at mambuling basta’t hindi nagkakasakitan. Pero sa huli ay sana ay maalala natin na ito ang hudyat sa 40 araw ng pagpapakasakit ni Hesus — ang panahon ng kwaresma. Panahon ng paghahanda, pagsasakripisyo at pag-aabstinensya.

P.S. Mahal na rin ang tubig ngayon, magtipid tipid tayo sa pambubuling mga kapatid!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

MAD Summit 2024 Highlights Unconventional Art, Inspires Artists to Go Beyond Norm

In this time where Artificial Intelligence (AI) generated content is a dime a dozen, authenticity …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.