Breaking News

Carlo Hornilla | Spoken Word Poetry Artist | Lipa City

Ang spoken word ay pagsasama ng tula bilang malayang pagsulat pero meron ding mga bagay na mula sa teatro at lumang tradisyon ng pagsasalin salin ng kwento.

Sumali ako sa isang grupo na puro sya theater actor bilang tagasulat ng mga monologue pieces nila. Sulat ako ng sulat hanggang sa sobrang dami na naming piyesa at tinanong ako ng aming director kung gusto kong magperform kaya sinubukan ko. Nagperform ako at dahil di naman ako trained na performer, hindi theatrical yung performance ko.  Kaya sabi nya iperform ko na lang yung piece pero tawagin na lang na spoken word. Pagkatapos noon naghahanap ako sa facebook ng mga Spoken Word Events kasi gusto ko iperform yung mga monologue din na sinulat ko. Kakapunta ko ng mga events lalong lumalim yung pagkakaintindi ko sa spoken word na hindi pala sya katulad ng monologue talaga.

Lumaki kasi ako sa bukid sa Taysan kung saan maraming matatanda kaya nakakarinig ako ng mga magagandang salita na normal lang sakin. Noong pumasok ako ng kolehiyo sa Batangas City, nagtataka ako kasi hindi alam ng mga kaklase ko yung mga sinasabi ko. Kaya sa tingin ko ay bentahe sya kasi marami akong alam na makukulay na salita. Ang humor ng Batangenyo para sa akin ay nakabase sa posturing na parang nagmamayabang ka na nakakatawa na yung pagmamayabang mo. Nagpoposture ka bilang isang malakas o matapang na habang gumagamit ka ng matatapang na salita o punto ay lalo namang lumalabas yung pagiging nakakatawa mo.

Isa sa aking halimbawa ay si Leo Martinez na isang sikat na Batangenyong Aktor na dun sa mga punto pa lang nya at paraan ng pagsasalita ay kahit di mo pa naiintindihan yung sinasabi nya ay nakakatawa na agad. Kaya sa tingin ko bentahe nating mga Batangenyo yung pagiging nakakatawa at pagiging mangingibig.

Napapansin ko na kapag nagpapaevents kami ay kami kami lang din yung nagpupunta na minsan kailangan pa naming lumabas sa ating probinsya para mapuna. Nakakatuwa na nabibigyang pansin tayo ng mga taga ibang lugar at nakakalungkot din kasi bakit yung mga taga ibang lugar pa yung makatuklas sa atin.

 Isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa akin ay yung nagviral na performance video ko sa PETA. Noong pineperform ko yun wala sa isip ko na magkakaroon yun ng million views. Ang sa akin lang noon ay yung mga taong nagpunta duon ay nagpunta para sa mga ganoong klase ng monologue, na maaring malungkot ka dahil bigo ka sa pag-ibig o matawa ka dahil sa mga hugot. Pero yung mensahe kasi noong sa akin ay isang Social Issue na sa tingin ko ay mahihirapan akong itawid yun sa manunuod. At nang pineperform ko sya at nakita kong ang mga tao ay nagpapalakpakan at tumatawa ay naging masaya ako dahil naitawid ko yung mensahe at tinanggap sya ng mga tao ng buong puso.

Huwag ka lang talaga tumigil. Kasi kapag tumigil ka, kung ano yung naabot mo ay yun na talaga yun. Maging bukas sa mga bagong matututunan at makakapunta ka sa mga gusto mong mapuntahan.” – Carlo Hornilla | Spoken Word Poetry Artist | Lipa City

Youtube Video from Ampalaya Monologues

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.