Breaking News

Chelony Mercado: Upclose the Colorful Palette of a Batangas Artist

chellony

Alva: Ate Che, kwentuhan mo naman ang mga Batangueño tungkol sa buhay mo. Sino ba talaga si Chelony?

Chelony: Tunay kong pangalan, Maricel Tarrayo Mercado (ang layo ng palayaw no?) ipinanganak sa San Jose, Lipa City on June 23, 1979. Ang tatay ko ay tubong Lipa ang ina ay taga Rosario. Ako ang panganay na anak sa napakaliit naming pamilya. Bale, labing isa (11) lang kami (ahahaha), sobrang konti ano? Sabi ng aking ina, noong ako daw ay dalawang taong gulang pa lamang ay napakahilig ko ng magdrawing sa mga pader ng bahay namin. At that age, marunong na akong sumulat at bumasa. Lumaki akong mahiyain , laki sa hirap ngunit maraming pangarap.

Noong ako’y nasa elementary, nakikitaan ako ng mga teachers ko ng galing sa pagdo-drawing, kaya parating mataas ang grade ko umaabot ng 98 at 99 sa arts.

Alva: WOW!

Chelony: Dahil nga mahiyain, takot akong sumali sa mga contest. Noong first year high school ako, nagtry akong sumali, sa tingin ko ako na ang pinakamagaling pero lutuan pala, kaya di ako nanalo, ayun nawala ako ng gana sa arts. Noong 3rd year naman, pinilit ako ng adviser ko na mag-join at nanalo naman ako so un ung naging daan para mahilig ulit ako sa arts, lalo akong naging active sa school, at halos lahat ng clubs sinasalihan ko at nangarap akong balang araw na makapagtapos ng Fine Arts o di kaya ay MassCom..

Alva: Eh alin naman sa dalawa ang napasukan mo ate Che?

Chelony: Naudlot sila parehas! Isa pa, ayaw ng aking tatay dahil gusto niya akong maging teacher.

Alva: Oh? Naku naman. Ah eh, pano mo naman ate Che nai-apply ang hilig mo sa arts bukod sa pagsali mo sa mga contest nung high school?

Chelony: Noong mga patay na oras ko, basa lang ako ng basa tungkol sa arts sa aming library, nag-papapohotocopy na lang kasi di ko kayang bumuli ng libro. Di ko naman kayang bumili ng mga art materials kaya noong highschool ako, gumagawa ako ng mga greeting cards at binebenta ko ng mga 5-10 pesos, tapos ung mga kapit bahay ko inaalok kong mag pa drawing ng mukha nila, imagine ang charcoal painting ko minsan 30 pesos lang, ung family portrait masaya na ko pag nagbayad ng 100, ung gamit ko minsan totoong uling at colored chalk, tapos mga art projects ang daming nagpapagawa sa kin lalo na pag “salamat nene” lang. Ayun after High School, nagwork muna ko sa manila as a sales lady, pag nasweldo ako, pakonte konte nabili ako ng brush at water color. Minsan pag kaya ko books at magazine, minsan pa nga my nag-offer sa kin na pag-aralin ako sa UP ng Fine Arts, Zamora ang name ng artist. Siguro patay na yun, di ko na matandaan ang first name at yung isa ay animator sa Universal Studios, kaso ayaw ni tatay, pang lalaki daw ang pagiging artist. Kaya medyo kinalimutan ko na muna yung pagdo-drawing.

Alva: Naku sayang naman! Saan ka naman nagcollege Ate Che?

Chelony: Bale nag-college ako sa LCPC(1997), I took BEEd, di ko tinapos kasi matigas talaga ang ulo ko gusto kong masunod ung pangarap ko kaso talagang di kaya ng magulang ko, kulang na lang magpaalipin ako para makapag-fine arts ako pero ayaw din akong payagan magworking student. Wala na kaming business, nag decide na lang akong huminto at mag work kasi di ko naman din masusunod ang gusto ko, kaya naging bread winner na lang ako. Year 1998-99 kinalimutan ko muna ulit ang arts for my family, 1999, nag dj ako sa radio natin 105.3 FM. name ko Dj Chelony, by the way ung “Chelony” high school ko pang ginagamit from chel- tawag ng tita ko sakin at ung -lony from looney tunes sobrang kinaadikan ko yun.

Alva: Ah… Doon pala nanggaling ang “Chelony”.

Chelony: Oo. Tapos yun, accidentally, me nakita akong art workshop sa Fiesta Mall, kaya nag-enroll ako sa sketch and paint under Ms. Connie, at later on kinuha na lang nya akong teacher, from pencil to oil ang tinuturo ko. Year 2000 naman naging isa akong Promo Girl, DJ at Art Teacher. Nagtayo ako ng sarili ko noong 2001 (the artists corner workshop and tutorial center) kahit walang kita, basta mai-share ko ang talent ko. hanggang lumago at nagkaron ako ng sarili kong students including Catherine Hipolito (graduating student of FEU) at Kathleen Beredo (Fine Arts graduate now from UP Diliman),

Alva: Aba, kilala ko yang mga yan ah! Ahahaha. How About the LAPIS group? Saan at kailan ba talaga nag-umpisa yan?

Chelony: 2002-2004 active member ako ng Tourism Council under Sir Pancho Lardizabal at pinakilala ako ni Sir Chito Segismundo sa group, at mga 2003, pumunta kami sa Bicol for tourism staff tour, meron doong art group, so naisip ko na magkaroon ng artgroup sa Lipa, ipinoropose ko yun sa Batangas Tourism, kaya si Tita Luchie kinausap ako at dadalhin nya raw ang kanyang friend para matuloy, which is Kuya Jeorge Banawa. After several meetings with the original members tito Alex, kuya Jeorge, kuya Bo, sir Chito at ako, 2003 nabuo and LAPIS with our first President kuya Jeorge Banawa. Then on that year, we had our first exhibit in Taal, sinali ko na rin sa group ang dalawa kong students na sila Cat at Kath. In 2005, sumali kami sa national competition kasama ko ang mga students ko less than 10 kami, ito ung contest ng OTSAA, art experience (pls see www.otsaa.cjb.net click Quezon City makikita mo ang winners), bale kami ung over-all 3rd place best city, ako over-all 2nd runner up best artist, marami pa kaming hinakot, kami rin ang 1st place mural all category. Dun ko nakilala ang organizer at founder ng OTSSA (On The Spot Artists Association) na si Mr. Rolando “Rollie” De Leon. Isa syang production designer ng theater, tv, movie, events at scenematographer in the industry for more than 30 years. In 2006 – was our first attempt in Guiness Book of World Record for the longest painting and I’m one of the first 100 artists who participated in that event. Si tito Rollie din ang nag-alok sa akin na mag-extra sa iba’t ibang TV networks including GMA 7, ABS-CBN, ABC 5 at QTV 11, bilang freelance artist hanggang naging art director ako sa mga show at assistant art supervisor.

Alva: WOW! Bigatin ka talaga ate Che! Eh ung tutorial center mo? Saan at kelan ba siya nagsimula?

Chelony: January 2009 itinayo ko ang Chelony’s Art Workshop and Tutorial Center sa Talisay, Batangas dahil sa Tagaytay kami nakatira pero I transferred it to Marawoy, Lipa City noong September 2009 dahil sobrang mahal ko ang Lipa City at binalikan ko ulit ang LAPIS at ako ngayon ang president ng group.

Alva: tungkol dun sa “longest painting” ate che? Kelan ba siya matatapos?

Chelony: This May, we will be having the final meeting for the sewing and painting of the 7 kms Philippines’ longest painting that will be brought here in Batangas and will be organized by CAWATS, LAPIS, OTSAA, the Tourism Council of Batangas, BFAR, NCCA and more this coming June 2010. The ASEAN deligates will also visit the opening of the event.

Alva: Di ba me exhibit ka? Kelan po yun?

chelony's exhibitChelony: I will be celebrating my 31st birthday with two art exhibits on June 23-26 at Museo de Lipa, Lipa City and on June 27 in SM City Lipa, entitled “ 31 beginnings: Chelony’s Art Exhibit” with special participation of Lapian ng mga Alagad ng Sining (LAPIS), it’s not a usual exhibit, there will be some musical numbers, on the spot scketching, photo op, face painting, caricature and more. We will also feature all the activities in my blog http://chelonysworldofarts.blogspot.com/

Alva: Ok! Punta kami dyan for sure. Any last word to our readers ate Che?

Chelony: My last word: I am not really a great artist, all I have is a talent that is not mine but a present/gift from God that needs to be shared and be developed. It is a talent that might be lost, so it is better to share it than to have it rotten when you die. At least there will be some seeds that will grow when you yourself grow old… And one day you can tell a story that sometime in your life, that tree was once your seed. – Chelony

Chelony’s Art Workshop and Tutorial Services together with LAPIS and all of us will continue the journey of arts ‘til our last breath.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

SGB Funds Batangueno Art Catalog, Expands Batangueno Arts Community

Philanthropist and multi-faceted entrepreneur Mr. Saturnino G. Belen’s (SGB) initiative to compile and showcase the …

No comments

  1. tnx for the post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.