Breaking News

CJ Villavicencio, ang Batangueñong mangangantang kampeon ng “The Pop Stage”

Isang Batangueño manganganta ang nagpakitang gilas at nagkampeon sa isang national Talent Competition na “The Pop Stage” nitong nakaraang Agosto 2, 2020. Ang “The Pop Stage” ay isang programang hatid ng VIVA para sa mga talentadong Pilipinong nais ipakita ang kanilang talento tulad ng Pag awit, pag sayaw, performance art, tula at iba pa.

Tubong Batangas City ang 22 taon gulang na si CJ Villavicencio at bata pa lamang ay nakitaan na sya ng talento sa pagkanta. Sinuportahan ito ng kanyang mga magulang at mas pinaghusay ang kaniyang talento sa pamamagitan ng pag enroll sa isang music school.

Kaliwa’t kanan kung lumagare sa mga singing contest, singing auditions at talent searches si CJ noong kabataan at ilan sa kanyang mga pantimpalak na nasalihan ay ang ABS-CBN’s Little Big Star at GMA’s Eat Bulaga: On The Spot kung saan nag uwi sya ng P115,000. Noong highschool at college naman ay pinag igihan nya ang pag arte sa teatro at pagsasayaw.

Isa din sya sa kumanta ng “Bangon Batangas” song na sumikat noong kasagsagan ng pagputok ng Bulkang Taal at nagbigay inspirasyon sa napakaraming mga Batangueño.

Ito ang nagbigay daan upang subukan nya ulit sumabak sa mga patimpalak at habang pe-facebook ay nakita nya ang “The Pop Stage” at sinubukang magpasa ng audition piece. Sa mahigit 100 na taong lumahok ay ilang serye ng elimination ang kanyang pinagdaanan hanggang sa manalo at tanghaling The Pop Stage Champion.

“Sana kung may isa kayong bagay na gustong gusto gawin pero napangunahan kayo ng takot at kaba, balikan nyo yung ‘passion’ nyo na yun and reconsider. Sa tingin ko, ako yung mag sisilbing imahe ng mga taong minsan nang sinukuan ang kanilang pangarap. Pero andito ako para sabihin na wag natin ito basta bitawan kasi kung nangyari sakin… mangyayari din yun sa inyo. God has his timing of everything. Everything is well scheduled in accordance to his plans. Kaya para sa pangarap, dapat lahat gagawin natin!”
– CJ Villavicencio

Tunghayan ang kanyang mga performances sa Pop Stage dine:

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.