Breaking News

Comic Book inspired na mural sa isang restaurant sa Malvar, Batangas, obra ng isang labingpitong taong gulang na Batangueño

Bata pa laang ay kinakitaan na ng husay sa pag gawa ng likhang sining ang batang si Paul Erick Danao ng kanyang mga guro. 

At sa kanyang paglaki, ang labing-pitong gulang na Senior High School Student mula sa Sto. Tomas, Batangas ay mas nalinang sa kanyang pagguhit at ginamit ito para kumita sa panahon ng pandemya.

Nagsimula siya sa pagtanggap ng mga commissioned portraits para makatulong sa pangangailangang pinansyal ng kanyang pamilya nitong panahon ng pandemya. 

 At nito lamang Enero, marami ang humanga sa mala two-dimentional comic book design ng isang restaurant (Big Tummy Food House) sa Malvar, Batangas na isa sa obra ni Paul. Aniya, ito ang unang beses na gumawa sya ng mural at ang inspirasyon nya ay ang mga coloring books ng kanyang pamangkin. 

“Para sakin po nais ko pong ang artworks ko ay magsilbing inspirasyon sa iba, lalo na po sa mga bata upang ipagpatuloy ang kanilang passion.”
– Paul Erick Danao

Sa kasalukuyan ay patuloy pa din ang pagtanggap niya ng mga commission artworks para makatulong sa gastusin ng kanyang pamilya kasabay ng kanyang pag aaral. 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.