Alva Q.#1. sino ga si Griego vive?
Griego vive:
ako po ay si ginoong Griego Vive. Beinte otso anyos, tubong Trapiche uno, siyudad ng Tanauan, lalawigan ng Batangas. ang aking magulang po ay sina Ginoong Renato at Ginang Nerissa Vive. binata pa po ako at naghahanap ng pag-ibig ng isang magandang dalaga, ako po ay isa sa napakaraming alagad ng Sining na nagnanais na magtagumpay, yumabong, at umunlad sa propesyon bilang isang Artist upang makatulong hindi lang sa pansariling benepisyo kundi ang makatulong din sa ating mga kasamahan sa larangan at maipagpatuloy ang malalim na buhay ng Sining.
Alva Q.#2. kelan po bga nagumpisa ang pagdaloy ng pagkamalikhaing dugo sa iyo, at ano sa kayo po sa palagay mo ang ipinagka-iba mo sa iba?
Griego Vive:
batid ko pong noong a-disisyete ng hunyo, taong mil-nuebe syentos otsentay uno, nagsimula ang pagdaloy ng pagkamalikhaing dugo sa akin, sa una kong sigaw sa aking pagsilang ay noon din ay nagsimula na ang aking buhay sa pagkamalikhain.
aaaaaaahhhhhhhhh… napakahirap ng iyong tanong Ginoong Alvarez, sa aking pananaw, lahat tayoy may pagkakaiba-iba pagdating sa larangan ng pag-guhit, pag-pipinta, o maging sa pag-ukit ng ating ”DIBUHO NG SINING”. Ngunit ang lahat ay pantay pantay. Tulad ng paglikha ng Panginoong Maykapal sa ating lahat, sa mga puno na nagbibigay ng malinis na hangin, pagkain, at pangangailangan natin sa araw araw,sa malinis na batis na pumapatid ng ating uhaw, sa mga mumunting ibon na umaawit sa umagang punong puno ng sigla. ang lahat ng ito ay may pagkakaiba-iba. Ngunit ang lahat ng ito ay pantay pantay. Dahil ang bawat isa ay may Halaga, may Buhay, may PUSO. ganun di sa ating larangan ng propesyon bilang artist. magkakaiba pa man tyo ng pananaw sa Sining… Lahat tayo ay pantay pantay, dahil lahat ng ating mga “DIBUHO NG SINING” ay may PUSO.
Alva Q.#3. Sinong Artist ang nagbibigay sa iyo ng inspirasyon?
Griego Vive:
Tatapatin na kita Ginoong alvarez, noong una bagaman alam kong mayroon na akong kakayahang gumuhit, magpinta o umukit ng ”DIBUHO” ay akuy walang inspirasyon, at ginugol ko ang aking nakalipas na panahon nung akuy nabubuhay pa bilang isang walang pakialam na tao… Hindi ko batid na kahit alam kong sinusundan ako ng pagiging malikhain ay nauubos ko ang aking oras sa walang saysay na mga gawain. Aminin na nating lahat tayo ay may madilim na nakaraan na nais nating talikuran, at harapin ang hinaharap. At ang ating pinanggalingan ay lingunin nlang natin. At tingnan natin kung ano tayo ngayon, At sikapin natin na maabot ang pinapangarap natin na bukas. Sa ngayon, akuy mayroon nang inspirasyon, at hindi ito dahil sa kung kanino mang sikat na Artist… Ang inspirasyon ko ngayon ay ang mga taong naniniwala sa ating kakayahan, ang mga taong nagbibigay sa atin ng lakas ng loob upang suungin ang madugo, malalim, ngunit napakagandang adhikain ng Sining, Bagaman sa estado niya sa buhay sa hirap na pinagdaanan, ay batid ko, na alam mo kung gaano nya kamahal ang Sining na ito. at doon ako ay humanga sa kanya, at nais kong gawin ang aking makakaya upang matupad ang nais niyang maiambag sa Sining na ito… Ang pangarap nya , ay ang pangarap kong matupad, Ito ang aking ”INSPIRASYON”
Alva Q.#4. Anu po yung kalimitang subject ninyo sa inyong mga likha at bakit ito ang napili nyo?
Griego Vive:
Ang aking kalimitang subject sa aking mga ipinipinta ay ang mga ”PAYASO” dahil tulad ko bagaman masayahin ay nasa loob ang kulo! hehehe hindi naman, ang payaso ay tinatawag na ”MERCHANT OF EMOTIONS” at sa ganoong paraan ay naipahihiwatig nila ang kanilang malalim na saloobin, buhay at puso. Napili ko ito dahil sa tuwing ako ay nabibigo sa pag-ibig ay ito ang aking ipinipinta, medyo madami nko naipinta. kya medyo madami narin akong BASTED. huhuhu, gayun p man ay hindi ako nasisiraan ng loob at alam kong dadating din ang kaligayahang matagal ko nang pinapangarap. may angking alam din ako sa ibang istilo at kategorya ng pagpipinta, at marami na rin akong nagawa, ngunit ang pinaka mahalaga sa akin ay ang produkto ng sarili kong emosyon, sana ay makita nyo po itong mga likha ng aking pagpipinta. Salamat po.
Alva Q.#5. bukod sa pagpipinta ay meron pa po kayong pinagkakaabalahan? (kung meron paano mo po namamanage ang oras mo?)
Griego Vive:
HHHmmmnnnn… marami din ako pinagkakaabalahan bukod sa pagpipinta. ginugugol ko ang oras ko sa ibang bagay, sa mga projects, sa trabaho, sa paglamon, sa pag tulog, at sa aking hobby, ako po Ginoong alvarez ay mahilig mang dagat, yun po ang aking unang gagawin pg nagkadayof ako ng medyo mahaba, mamimingwit/mangangawil ng malalaking isda at pag hindi kumagat sa pain eh sisirin ko po sila at papanain para may pangtanghalian sa dalampasigan, tulad mo sa kabila ng madugong trabaho mo dyan eh, nagkakaoras prin pra sa hobby ng pag akyat sa mga bundok, ganun din tayo,, ang pagmamanage ng oras ay parang nagbabalat lang tayo ng mani, kung kelan mo ito gustong balatan at kainin ay magagawa mo.
Alva Q.#6. nakapag exhibit na ga po kayo? (kung hindi pa, mayroon po ba kayong balak at kailan ito?)
Griego Vive:
exhibit kamoh? ala! ai yaong mga grupong exhibt eh may nasamahan nko,,piro yuong sulo ekshibet ay ala pa! ay wala pa eh, ala! ala! ay! gusto nga ren, Kaya la-ang sa panahun ngay-on, eh, midyo, padadamihen ko muna pinting koh! Siguro naman eh Basted uli akoh, kayat madaragdagan na naman yaong mga payaso kong yuon! ala! ay tika, ay nakalima npla akong basted eh! simula nuong huli kong ipininta, ala! ay kagaleng! at madami na mapapadagdag! hala! ay baka malapit n mangyari yuong sulo ekshibet na yuon! ala! ay wish,, ku la-ang eh bagu aku ikasal, ala ai! di ga para tapus na ang punto ng aking paghihirap sa pag-ibeg! ay di sisimulan ko naman ang panibagong yugto ng aking buhay! ay siguradong! mas magulo yuon! pihong kasaya naman ah! ah! ala ai txt txt na laang sa akeng ekshibet!
Alva Q.#7. sumali na po ba kayo sa mga contest? kumusta naman po? nakasilat na ga?
Griego Vive:
ala ay nuong elementary, puro first, ay baken ga pag dateng lagi sa regional level ay sikond na laang? ala ay kagalaeng ng kalaban eh, may ano eh! ay, tutor ba ga ang tawag duon? ala ay kahet nuong high skul, ay gayuon den! ay kame laang nag papangita sa regional! ay sikond prin aku eh! ah! ah! ay wala kc akong tutor nga ga? ala! ay nanisi ang walanghiya,
pero nitong mga nakaraan na sinasalihan kong kumpetisyon eh hindi pko nakakasilat, mdyo, matagal din ako tumigil sa pagpipinta eh, noong 2006 nlang ulit ako nabuhayan ng loob magpinta, (ala! ay may dahilan prin eh!) pero gusto kong manalo, anupat sumali tayo sa kumpetisyon? di ga?
Alva Q.#8. mula po sa perspektibo ng isang artist, papano nyo po bibigyang kahulugan ang salitang kagandahan?
Griego Vive:
Ang kagandahan pra sa akin ay hindi ntin makikita hangat hindi mo ito hinuhubaran…
(mali yung iniisp mo, hindi yun yon.) Dahil hindi lang sa ganda ng ipininta o materyales na ginamit nasusukat ang kagandahan, ito ay nsa puso ng gumawa nito, hangat hindi mo nauunawan ang isang larawan kung bakit ito ipininta, eh hindi mo ito masasabing maganda, tanging ang artist na lumikha nito sa mundo nya ang nakakaintindi ng kagandahan kanyang ”DIBUHO”… sundin mo ang ninanais ng puso mo at ipag laban ang iyong pananaw, ang pangunawa kc ng iba ay,,, mababaw, may nagsasabing maganda ito, dahil lang b mahal ang painting? maganda ang presyo nito yun ang ibig nila sabihin, ang kagandahan ay palaging nasa mga mata ng nkakaunawa nito.
Alva Q#9. bilang alagad ng sining, anu kaya ang posibleng magawa mo upang maitaas ang antas ng sining batangenyo dito sa pilipinas o maging sa buong mundo?
Griego Vive:
Bilang alagad ng Sining, nais ko pong maging tapat sa aking puso kung ano ang nais ipahiwatig nito, at sundin ang ninanais nating iguhit, ipinta o ukitin, dahil hindi lang nasusukat ang galing, taas at kalidad ng Sining, sa pangalan ng pagiging malikhain, ito po ay nag papahiwatig ng ating ”orihinalidad” maging orihinal po sana ang ating mga likha, sa gayon po ay maitaas ntin ang kredibilidad ng bawat isa sa atin, huwag po sana kung ano yung uso eh yun po ang gagawin ntin pra lng makasabay sa sirkulasyon, nawawala po ang ating PUSO sa ating ginagawang panggagaya, at dahil doon ay babagsak at mahihirapan tayong itaas ang antas ng ating Sining,, bigyan po ntin ito ng PUSO… maging ”ORIHINAL”. At maging karapat dapat na Batangenyong Artist, sa isip, sa salita, at sa gawa.
Alva Q.#10. anu po ang maipapayo nyo o masasabi sa mga kababayan nating Batangenyo at smga nagnanais pong matutong magpinta?
Griego Vive:
Masasabi ko pong, maraming, maraming salamat po sa inyo mga kababayan kong Batangenyo, At sa iyo Ginoong Alva, sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong ito upang maipahayag ang matamis nating pananaw sa halaga ng buhay at puso ng ating Sining.
Ang maipapayo ko lang po ay sundin natin ang ninanais ng ating puso, at tayo ay magiging matagumpay, huwag po tayong masisiraan ng loob, kayang kaya po natin ang lahat ng mga pagsubok, maniwala po tayo.
At para po sa lahat ng mga nagnanais na matutong magpinta, ang paniniwala po ntin sa ating kakayahan, ay ang tulay sa ating pag unlad, o magsadya po lamang kayo sa aming tanggapan sa:
CHELONY’S ART WORKSHOP AND TUTORIAL SERVICES, located at 2nd floor, Hipolitos building, Marauoy Lipa city, Batangas, phil.