Breaking News

Flores de Mayo ala Batangueño

May 1, bandang hapon, nagawi kami sa may Talisay. Doon kasi kami dumaan sa zigzag at vertigo-inducing short-cut road ng Talisay mula Tagaytay. Napakadali nga naman ng daan na ito, 30 minutes lang makakalapag ka na sa Batangas.

Anyway, this post is about Flores de Mayo, Batangueño style. Sinasabi kasi na sa Malolos Bulacan nagmula ang selebrasyon na ito. Pero syempre, hindi natin maikakaila na may pagka-unique ang Flores de Mayo dito sa atin. Mula sa tawag nating luglugan hanggang sa bonggang float sa Alitagtag kapag tapusan, masasabi mong, “tayo nga laang talaga ang may garne!”

Mahaba ang pila ng mga batang naka barong at saya na may mga dala-dalang bulaklak. Ito ang nakita namin sa Brgy. Quiling, isang barangay sa Talisay habang pabalik na kami ng Lipa. Medyo traffic nga, kasi sa magkabila ng kalye ay naka-park ang mga maliliit na karosang gagamitin ng mga bata sa prusisyon matapos ang pag-aalay.

Bumaba ako at kumuha ng ilang pictures. Ang cute ng mga bata at nakakatuwa ring tingnan ang mga stage moms na maya’t mayang inaayos ang buhok, gown at make up ng kani-kanilang mga anak. Mayroon ding mga matatanda na natipon sa isang bahagi ng tuklong, sila yata ang mga magdadasal. Naroon rin ang mga kabataang nag-aasist sa mga bata sa pagluhod at pagsisindi ng kandila.

Ito ang Mayohan, Flores De Mayo, Pag-aalay, simula ng luglugan para sa ilan. Kung magka-anuman ang tawag natin dito, iisa lang ang pakay ng pagdiriwang na ito, ang parangalan si Maria, ang ating mahal na ina. Noon nga ay tinatawag pa itong “Flores De Maria” o Flowers of Mary. Isang katunayan na si Mama Mary ang sentro ng ganitong gawain.

Sa bawat gabi ng Mayo, natitipon sa tuklong o chapel ang mga bata, kabataan at katandaan upang mag-dasal ng Santo Rosario, mag-alay ng awitin at mga bulaklak. Sinusundan ito ng simpleng kasiyahan. Minsan may mga batang sumasayaw, kumakanta at nagpapa-bibo para sa mga natitipon. Sa bawat gabi rin ay may mga nakatakdang hermana o hermano na sya namang assigned sa pagbibigay ng pagkain sa mga dumalo.

Ang lahat ng ito ay ay magtatapos sa huling araw ng Mayo. (Yung iba pala ay first week ng June) At ito ang tinatawag na Tapusan. Sa araw na ito ginagawa ang Santa Cruzan at gayundin ang bonggang selebrasyon na usually ay ginagawa sa gabi. Ang Tapusan rin ay isang sikat na festival sa Alitagtag kung saan masasaksihan ang mga nag-gagandahan at nag-lalakihang floats na talaga namang iyong hahangaan.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

SGB Funds Batangueno Art Catalog, Expands Batangueno Arts Community

Philanthropist and multi-faceted entrepreneur Mr. Saturnino G. Belen’s (SGB) initiative to compile and showcase the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.