Breaking News

Grupo Sining Batangenyo at mga Obrang mula sa Kape


Isang grupo ng mga malilikhaing Batangueño ang nagtipon tipon upang lumikha ng mga Obrang ang pangunahing sangkap ay ang kape. Binuksan sa publiko ang Art & Coffee Exhibit noong ika-25 ng Setyembre, 2017 at magtatapos ngayong ika-30 ng Setyembre na makikita sa loob ng SM City Batangas.

Ang Grupo Sining Batangueño ay isang grupo ng mga malilikhaing Batangenyo Artist na may layuning buhayin at bigyang halaga ang sining dito sa Batangas at ang mga artist na Batangenyo ng pagkakataon na mailabas at madiskubre ang kanilang talento sa pamamagitan ng grupong ito.Kasama ang GSB, nagtuturo sila sa mga kabataan na nais matuto ng pagpipinta. Minsan din ay tumutulong sila na gumawa ng mga disenyo para sa mga kaganapang pang-kultura dito sa atin.

Nakilala namin si Sir Lino Acasio bilang isa sa mga nagtatag ng Grupo Sining Batangueño (GSB). Isa sa kanyang pagkakakilalan ay ang husay nya sa pagpinta ng  mga tanawin o landscapes.

Ayon sa kanya, Aag paggawa ng sining ay dapat isinasapuso ng bawat artist sapagkat sa iyong obra maestra  makikita at mararamdaman ng tao ang pagmamahal mo sa sining kaya lumilikha ito ng kagandahan. Nais din niya na matulungan pa sa pamamagitan ng kanilang grupo ang mga tao o ang kabataan na may hilig sa sining na maipamalas at mainspired sila na patuloy mahalin at gumawa ng isang sining.

Tunay namang nakakamangha ang mga obrang gawa ng bawat artist. Napapatigil ang mga taong dumaraan na nakatutuwa kung iisipin dahil nakikita mong nagiging interesado sila sa mga obra ng mga kapwa Batangenyo. Mas napapahanga naman sila kapag nalalaman nilang Kape ang pangunahing sangkap ng mga obrang ito. Kaya wag palampasin ang pagkakataong makita ang Art & Coffee Exhibit.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.