Breaking News

Isang mural ihinandog ng isang Malvareño Artist para sa NBA Superstar na si Kobe Bryant

Isang mural na may habang 49 talampakan at taas na 7 talampakan ang inialay ni Ezmyr Noel Ilagan Batain, isang Batangueño mula sa Brgy. Luta Sur, Malvar, Batangas sa sikat na NBA Basketball Player na si Kobe Bryant.

Matatandaang yumao ang NBA Superstar nitong Enero ngay’ong taon kasama ang kaniyang anak sa isang malagim na Helicopter Crash habang patungo sa isang Basketball Tournament.

Kaya naman naisip ni Ezmyr na magbigay pugay sa pamamagitan ng paglikha ng isang dambulahang mural sa kanilang lokal na Basketball Court sa Brgy. Luta Sur katulong ang kanyang mga kaibigang artist na si Josue Panes.

Sinimulan nila ang proyektong ito noong ika-2 ng Pebrero, 2020 na sumisimbolo umano sa Jersey Number ng mag amang Bryant ngunit dahil na din sa pandemic ay naantala ang pagtatapos nito at naituloy lamang noong Hulyo. Sakto naman na natapos nila ito nitong nakaraang ika-23 ng Agosto at naipakita sa publiko sa mismong araw ng kapanganakan ni Kobe Bryant. Instant selfie spot naman agad ito para sa kanilang mga kababayan.

May mga ilan pang Basketball Related artworks a loob ng court na likhang sining din ni Ezmyr. Aniya, ito’y kanyang naging trabaho noong pang siya’y OFW mula sa Saudi at Qatar at hanggang ngayon ay tumatanggap pa din sya ng mga commission painting para sa mga nais magpapinta.

Larawang kuha ni Rene De Ocampo

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.