Ang Linggo ng palaspas ay isa sa mga tradisyon ng mga katolikong Batangueño na ginaganap tuwing ika-anim at huling linggo ng kwaresma. Sa araw na ito ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Hesus sa Herusalem bago ang kanyang kalbaryo.
Ito din ang hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw. Maraming mga katoliko ang nagtutungo sa simbahan bitbit ang kanilang mga palaspas upang mabendistunan.
Larawan ni Eric Dale Enriquez