Breaking News

Sa ating Paglaya…

Mabuhay ang bansang Pilipinas! Mabuhay! Yan marahil ang sigaw ng mga rebulusyonaryo noong iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite mahigit isang daang taon na ang nakalilipas. Idiniklara noon ang paglaya ng bansa matapos magapi ang mga Espanyol sa Battle of Manila Bay sa panahon ng Spanish-American war.

Sa pagwagayway ng bandilang tinahi nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza ay tinugtog rin ang ating pambansang awit, ang Lupang Hinirang, na sinulat ni Juan Palma at nilapatan ng nota ni Julian Felipe. Tunay na isang makabuluhang pagdiriwang ang kalayaan noong mga panahong iyon.

Samantala, may mga nagsasabi na hindi naman daw dapat ito ang araw ng kalayaan, Dapat ay July 4, 1946 di umano ayon sa nasasaad sa treaty of Manila. Ito daw ay noong tuluyan na tayong lumaya sa kamay ng mga Kano.

Magkaganoon pa man, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tuluyan nating makamtan ang kalayaan. Pero sa kabila ng mga taong lumipas, gaano ba natin nauunawaan ang paglayang natamo ng mga ninuno natin noon?

Tunay na nga ba tayong malaya? May mga nagsasabing oo, mayroon din namang hindi. Oo, malaya tayo dahil walang sinumang dayuhan ang kumokontrol sa atin ngayon. Ngunit Hindi pa rin ayon sa iba dahil, dala dala pa rin natin ang impluwensya ng mga dayuhang minsay umalipin at sumakop sa atin.

Ano nga ba talaga? Natatandaan ko ang kwento ng aking guro tungkol sa pagiging Pilipino. Tayo daw ay maihahalintulad sa sibuyas — may mga layers. Ang ating pagka-Pilipino ay binubuo ng iba’t ibang impluwensya, kultura, kaugalian, na maaring hindi lahat ay sa atin nanggaling. Kung susubukan nating tanggalin ang mga impluwensyang ito, tulad ng layers na bumubuo sa isang sibuyas, maaring manipis o wala nang matira sa huli. Ang lahat ng mga pangyayari sa ating bansa ay bahagi ng ating pagiging Pilipino. Kung ano tayo ngayon ay bunga ng kung anong mayroon at kagapan noon.

Ngayong ika-113 taon ng ating paglaya, gunagunahin natin ang mga magagandang bagay na dulot ng kalayaan. Tayo ba’y umunlad dahil dito? Nagkaroon ba ng postibong pagbabago sa bansa sa ating paglaya? Nabago ba ang kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino? Ano ba ang mga pagbabagong dapat ay kakambal ng paglaya? Ang mga sagot ay depende sa atin, at sa mukha ng Pilipinas na ating hinahangad sa mga darating pang taon.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.