Breaking News

‘Tanghal Sining Sa Tag-Araw’ Inilunsad sa Lungsod ng Batangas

Isang produktibo at malikhaing tag-araw ang nais ihatid ng Cultural Affairs Committee (CAC) para sa mga mamamayan ng Batangas City. Narito ang mga detalye:

Public Information Office
PRESS RELEASE
April 5, 2010


Sinimulan na noong ika-4 ng Abril ang Tanghal Sining sa Tag-Araw sa Manuela Q. Pastor Park sa Brgy. Pallocan West.

Ito ay isang proyekto ng Cultural Affairs Committee (CAC) ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pangunguna ni Mayor Eduardo B. Dimacuha at ABC President Vilma Abaya Dimacuha na naglalayong malinang ang sining at kultura sa lungsod at maipakita ang angking galing at talento ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan na magtatanghal.

Ayon kay Ed Borbon, Vice Chairman ng CAC ng Batangas City, ito ang unang pagkakataon na may ganitong uri ng pagtatanghal, at inaasahan niya na magpapatuloy pa ito upang mas higit pang maipakita ang tunay na kahulugan ng sining.

Unang nagtanghal ang Carmel School of Batangas na naghandog ng munting kasiyahan sa pamamagitan ng mga sayaw at mga awiting bilang pagdiriwang sa muling pagkabuhay ni Hesus.

Samantala, nakatakda ding magkaroon ng ibat-ibang workshop ang CAC tulad ng Children Arts, Creative Writing, Photography, Professional Make-up, Music at Folk Dance na gaganapin sa Bahay ni Ka Tonying Pastor ngayon Abril. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)

[tags]summer workshops batangas city, cultural affairs committee batangas city, tanghal sining sa tag-araw batangas city[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

SGB Funds Batangueno Art Catalog, Expands Batangueno Arts Community

Philanthropist and multi-faceted entrepreneur Mr. Saturnino G. Belen’s (SGB) initiative to compile and showcase the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.