Breaking News

Batangas Trivia, Alam N’yo Ga Are?

Malamang may mga bagay pa tayong hindi nalalaman tungkol sa ating probinsya. Para sa dagdag kaalaman, nakalista sa baba ang 10 sa maraming trivia tungkol sa Batangas.

Alam n’yo ga…

1. Bull Shark in Taal Lake
Ang Bull Shark ay may kakayahang mabuhay sa fresh water o tubig tabang gaya ng Taal Lake. Ayon sa aming napag-alaman, noong 1930’s pa nang huling makakita ng bull shark sa Taal Lake. Nakakagulat man, ito ay may posibilidad dahil ipinagdurogtong ng Pansipit River ang Taal Lake sa dagat.

2. Padre Garcia LAM is the world’s largest auction market.
Ang Padre Garcia ang tinaguriang Cattle Trading Capital of the Philippines. Ito rin ang pinakamalaking livestock auction market sa buong mundo. Tuwing araw ng Biyernes (madaling araw actually) nagaganap ang malawakang bentahan at bilihan ng mga baka at iba pang alagang hayop.

3.Sa Lobo matitikman ang pinaka-matamis na ATIS.
Sa katunayan, ang Lobo, Batangas ay tinaguriang Atis Capital of the Philippines. Ang mga bungang ito ng atis ay mas napalinamnam pa ng kakaibang uri ng lupa na mayroon ang bayan ng Lobo.

4. Ang tunay na Taal Volcano ay hindi yung iconic volcano na nakikita sa Tagaytay
The volcano-like mountain that we see in Tagaytay is Mt. Binintian. Hindi ito ang mismong bulkang Taal, likod pa nito actually. See Taal crater pictures here. Ang Taal Volcano rin nga pala ang itinuturing na smallest volcano in the world.

5. Batangas is also generally accepted by linguists as the “Heart of the Tagalog Language
Mayaman ang wikang Tagalog at dito nga sa Batangas, maraming mga salita ang hindi ma-alwang ma-arok. Pihong ika’y babanasin bago maalman ang mga imik na kai-kainaman. Na gets nyo ga?

6. May 300 species ng corals na matatagpuan sa Verde Island Passage.
Ito ay considered as one with the largest concentrations of corals in the country at gayundin sa buong mundo. Ang Verde Island Passage din ang tinaguriang Center of the center of marine shorefish biodiversity.

7.Ang San Jose ang nag-susupply ng 30% ng mga itlog sa buong Pilipinas.
Tinaguriang, Egg Basket of the Philippines, ang San Jose na nga ang pinakamalakas at pinakamadaming mag-supply ng itlog sa buong bansa.

8. Ang Maliputo at Tawilis ay only in Batangas
Ang masarap na isdang Maliputo at tawilis ay tanging sa Batangas lamang matatagpuan, partikular sa lawa ng Taal. Sinasabi rin na ang maliputo ay mga isdang talakitok na tumawid mula tubig alat (through Pansipit River) patungong lawa ng Taal. Sa paglipas ng panahon, pagbabago ng environment at water condition (from salty to fresh water) ay nagbago at sumarap di umano ang isdang ito na sya nating tinatawag na maliputo.

9. Ang mga unang binhi ng Guapple sa Pilipinas ay sa Talisay nagmula.
Ang guapples ay mga malalaking bayabas na mistulang apple kung titingnan. Sinasabing sa Talisay, Batangas nagmula ang mga unang punla ng guapple sa bansa.

10. Ang Lipa City ang 3rd coldest city in the Philippines
The City of Lipa is 1,025 feet above sea level kaya may kalamigan rin ang klima dito. Pumangatlo ang Lipa City sa mga pinakamalalamig na siyudad sa bansa. Una dito ang Baguio City na sinundan naman ng Tagaytay City.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Freshest Agri and Livestock Produce Available at Padre Garcia’s Pick & Go Farm

The “Cattle Trading Capital of the Philippines”, the Municipality of Padre Garcia, Batangas, has yet …

2 comments

  1. When I initially commented I appear to have clicked the -Notify me
    when new comments are added- checkbox and from now on each time a comment is
    added I get four emails with the exact same comment.
    There has to be an easy method you can remove me from that service?
    Many thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.