Breaking News

Bukayo at Panutsa, tanda mo pa ga?

Tanda nyo pa ga yung mga sumasampa sa mga bus na magtitinda ng panutsa at bukayo? Yung tipong hindi ka titigilan sa kanilang pang-aalok dahil ang alam nila ay sa isa ka sa mga Mindoro bound passengers? Ito ang senaryo noon. Before eh talagang napakalimit nito sa mga ordinary busses at hindi lang matanda ang makikita mong nagbebenta, pati rin mga batang musmos.

Ngayon ay mangilan ngilan na lamang ang gumagawa nito. Kung hindi bihira ay wala nang mga sumasampa at pumapara ng bus para mag-alok sa mga pasahero ng kanilang tindang panutsa, bukayo, kendi, itlog ng pugo at kung anu-ano pa.

Wala na nga bang nagpapasalubong ngayon? Siguro nagbago lang ang panahon. Marami nang stalls sa pier at mga bus stops kung saan pwede bumili ng pasalubong. Marami nang alternatibong mga pasalubong na pwedeng mabili sa mga malls, may donuts, cakes, tinapay, burgers, etc. Nakarating na rin dito ang mga piyaya, chicharon, espasol at mga pasalubong na dati ay sa ibang probinsya lamang mabibili.

Sa pagkawala ng mga bus vendors, nawala na rin kaya ang industriya ng panutsa na noon ay napakalas sa bayan ng Lemery at Taal? Aalamin namin iyan kapag nagawi kami sa dalawang bayang iyan next month. Hintayin nyo ang aming write up ukol diyan.

Sa kabilang banda, magaling na rin na wala nang mga bus vendors ngayon. Napakadelikado kasi ng kanilang trabaho. Naalala ko pa ang mukha ng isang lola na nagbebenta ng panutsa noon. Pilit niyang iniaalok sa akin, na noo’y college student pa lamang ang 6-singkwentang panutsa na sing laki ng platito ang isa. Hindi ako makabili noon kasi tukod lang ang baon ko, tamang pamasahe at pangkain ng “student meal” sa canteen. Nakakalungkot at hindi ko sya nabilhan noon, kung makikita ko lang ulit sya ngayon, kahit pa pakyawin ko ang panutsang ibinebenta nya.

Gayun din sa mga batang sumasampa sa bus. Nakakalungkot na wala na silang madaling paraan ng pagkita ngayon pero sa kabilang banda ay okay na rin kasi nakakatakot para sa isang batang musmos ang magpalipat lipat ng mga bus at magbenta ng panutsaa.

Minsan, masaya na nakakalungkot ding balikan ang panahon noon. Mga panahon na masaya na tayo na makatanggap o kaya ay makapagpasalubong ng panutsa at bukayo, ang noo’y the best pasalubong from Batangas!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Freshest Agri and Livestock Produce Available at Padre Garcia’s Pick & Go Farm

The “Cattle Trading Capital of the Philippines”, the Municipality of Padre Garcia, Batangas, has yet …

No comments

  1. (“,)wag po kau gagalet ha…
    eh….asan na po ang bukayo?

  2. wow sarap nyan. yan ang kepeng di po ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.