Isa sa kinatatakutan ng mga businessman dine sa Batangas ang rainy season dahil bumabagsak ang kita sa mga araw na walang pasok, baha o mahirap bumiyahe dahil sa ulan. Ito lamang ang ilan sa mga pwedeng gawing hakbang ng ating mga kababayan upang kumita o makabawi man lang sa puhunan.
1. Free Delivery
Para sa mga restaurant at open-air na kainan, hindi maikaka-ila ang pagtumal ng mga kumakain kapag malakas ang buhos ng ulan. Kahit mga parokyano natin ay talaga namang stay-at-home na lang dahil ayaw din nilang maabala at mabasa. Takam na takam pa naman sila sa menu natin. Kaya pag-aralang mabuti ang pagbibigay ng free delivery sa ating mga parokyano. Hindi lang pag maulan ito effective, kaya worth it investment pa rin ito. Alam naman natin kung gaano kalakas ang delivery ng mga Fast Food Chains diga?
2. Social Media Marketing
May kasabihan kami dine sa WOWBatangas na ang iyong website o Facebook Page ay iyo na ring pangalawang opisina (meron ngang iba na yan lang talaga ang opisina nila hehehe). Kaya naman kung maulan at mahirap pumasok at makipag-meet sa’yong mga kliyente, bakit hindi na lang makipag-usap sa kanila gamit ang iyong social media accounts? Huwag lamang magf-facebook sa kama at maya-maya pa’y ikaw rin ay tulog na.
3. Product Variety
Kung pang-summer lang ang product mo, tiyak lugi ka ngayong tag-ulan. Ayos lang sana kung may iba ka ring pinagkaka-abalahan, pero kung tindahan na rin ang iyong business, bakit hindi na laang magdagdag ng seasonal ding produkto. Para sa mga restaurant, maigi na magkaroon ng mga putahe na sabaw at mainit gaya ng lomi, bulalo at sinigang. Para naman sa mga tindahan, mag-offer ng payong, kapote, bota at kung anu-ano pa.
4. Offer Discounts (Seasonal Business)
Gaya ng mga resorts, mag-offer ng malaking discount for group buyers and clients ngayong rainy season. Kung kumpleto naman ang iyong mga staff, sigurado kaming mas masaya sila na magsilbi sa inyong business kung meron silang nakakausap na kliyente. Malaking bagay para sa mga kapwa natin Batangueno ang masabing nakagamit sila ng discount sa ating produkto o serbisyo, at dahil dyan ay marami ring mae-engganyo na bumisita kahit maulan.
Tuloy lang ang benta!
Para sa marami pang tips na ganito, magpa-lista na ng iyong business sa aming WOWBatangas Directory and Events. http://wowbatangas.com/directory/
Salamat po nagkaroon ako ng IDEA sa article na ito.
Walang anuman carl. Iclick ang link sa ibaba para sa iba pang tips ukol sa pag papatakbo ng business:
https://www.facebook.com/wowbatangasdir/