Maraming oras ang ginugugol ng mga gustong magtayo ng negosyo sa pag-iisip kung papaano sila kikita ng malaki samantalang maraming competition mula sa malalaking kumpanya dito sa Pilipinas. Heto at inilista ko ang mga nakikita kong advantages ng pagsisimula ng isang Small Business dito sa atin.
1. Geographical Location
Karamihan sa mga malalaking kumpanya, nasa Maynila ang headquarters. Ibig sabihin, kailangan mo pang lumuwas para makipag-meeting, at masyadong matagal ang dating ng mga serbisyo at produkto kung dito sa probinsya mo sila kailangan. Kung magkaka-problema sa mga machine o software, umaabot din ng ilang araw bago nila mapuntahan ang maayos ang iyong problema. Para sa akin, ang malapit na location ang isa sa pinakamalaking bentahe ng small businesses kumpara sa malalaking kumpanya.
2. Personalized Service
Mas madaling kausap tayong mga Small Business Owners dahil wala ng ibang mag-aapprove ng hinihinging discount at nakakarating kaagad ang mga hinaing at reklamo ng customers diretso sa atin. Kung minsan, mas mahalaga sa mga kliyente ang may nakaka-usap ng maayos at humaharap sa kanila ng personal kaysa sa mas murang produkto o serbisyo. Tiwala ang keyword dito. Kapag may small business ka at mapagkakatiwalaan, malamang ikaw ang pipiliin ng malalapit sa;yo.
3. Mas Murang Produkto o Serbisyo
Lalo na kung ang business mo ay may kinalaman sa pagkain at ang mga raw materials ay manggagaling din lang naman locally, pwede mong bigyan ng mas murang presyo ang iyong final product para makapag-compete sa produkto ng franchisees o national companies. For example, kung magaling kang pastry chef, mas mapapamura at mapapaganda mo ang birthday cake mo kaysa sa ino-offer ng Goldilocks o kaya Red Ribbon. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng steady stream of clients, at mapapalaki mo ang iyong operations.
Isapuso ang mga advantages na ito at siguradong lalawig pa ang iyong negosyo. Sa maayos na pagpa-plano at pagkilala sa mga advantages ng isang maliit na business, mapapalaki mo ito at maya-maya pa ay magkakaroon ka ng pangalawa at pangatlong branch. Pwede ka rin mag-offer ng franchise pag nagkataon. Ang hindi lang dapat makalimutan ay kung paano ka nagsimula at at paano mo pananatilihin ang magandang kultura ng isang maliit na negosyo habang lumalaki.
ni JR Cantos
Publisher, WOWBatangas.com